Chapter 39

47.9K 1.9K 387
                                    

Chapter 39

Napairap ang binata sa sinambit ni Sue na nakiusap pang bilhan ng makakain at hindi pinansin ang kaniyang kalagayan.  Naghila siya ng isang monoblock na upuan sa gilid ng silid at hinila papunta sa harapan ni Sue.

Umupo siya at nagpandekwatrong pambabae. Napakunot noo naman si Sue dahil nagtataka siya kung bakit parang ayaw ni Lorcán na bilhan siya ng pagkain, eh gutom na daw siya. Tiningnan niya ang kabuuan ng kaharap mula ulo hanggang sapatos.

Hindi maitatangging napakakisig niyang tingnan sa kaniyang ayos at porma. Nakasuot ang binata ng homburg na klase ng sumbrero na bumagay sa kaniya at napaka gwapo niyang tingnan, nakasuot din siya ng itim na malaking sobretodo (overcoat),  turtle-neckline na sweater sa loob, at itim na pantalon.

Matanong ko nga sayo. Ano nga pala ang ginagawa mo sa kompanya kanina?” tanong ni Sue.

Ngumisi ang binata pagkatapos ay humalukipkip, Nais mong malaman?”

“Hindi ba obvious?” pansasarkastiko naman ni Sue na nagtaas pa ng kilay. Hindi daw ba kasi halata? Eh nagtatanong na nga ang tao. Minsan talaga may pagkaewan talaga itong si Lorcán. Umirap pa siya at bumuntong hininga.

Napailing at natawa naman ang binata sa reaksiyon ni Sue. “Pfft. Hahaha, sige sige. Sasabihin ko na.” sambit niya. Sa totoo lang, ang sadya ko ay si Vaughn. Kaso naagaw mo agad atensyon ko nung papunta pa lamang ako kaya...” dahan dahang kumurba ang ngisi sakaniyang labi. “—ikaw nalang muna ang linapitan ko,” pagpapatuloy niya.

Edi mabuti! Kesa si Von ang estorbohin mo,” pasiring siyang nag iwas ng tingin at bumulong bulong na parang bata. “Kala mo kung sino. Sa tingin niya ba maki-kidnap niya si Von? Tss! Mabuti nalang at ako ang kinuha niya. Di pa sya nahirapan. Tsk. Tsk. Tsk.” napalingon agad siya kay Lorcàn nang magsalita ito.

“Are you sayin' something?” tanong niya.

Oo. Sabi ko, bilhan mo na ako ng makakakain at gutom na po ako. Kinuha kuha mo ako tapos gugutumin mo lang ako rito? No way! Penge kahit isang Hansel lang.” nakasimangot na tugon niya.

Umayos ng upo si Lorcán at tumango tango. “Fine, I'll get you some food to eat. I'm sorry for starving you. Wait for me a minute,” tumayo na siya at nakapamulsang tinalikuran si Sue.

Nang makalabas ang binata ay doon inilibot niya muli ang kaniyang tingin sa buong silid at tila pinag aaralan ang bawat sulok. May nakita siyang cctv camera na nakahinto lamang sa direksyon niya. May pulang ilaw ito kaya alam niyang may nanonood sa kaniya.

Napabuntong hininga na lamang siya at napasimangot. “Ang boring naman. Antagal din ni Akari. Gutom na ako. Gusto ko na ring umuwi,”

Napalingon siya sa pinto nang bumukas ito at may iniluwal na lalake at babae. Ang babae ay tila nagpupumiglas sa lalakeng may hawak sa kamay niyang nakatali sa kaniyang likod. Pinanood sila ni Sue, napalingon naman sa kaniya ang babae at napakunot ang noo nang makita si Sue na ang tahimik habang nakatingin sa kaniya.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon