Chapter 55

41.8K 1.5K 103
                                    

Chapter 55

“Grabe, hindi man lang nadadagdagan ang timbang mo Akari. Ang gaan mo parin.” wika ni Sue na kausap ang buhat sa likod na si Akari. Nasa loob parin sila ng mall at nag iikot. Buhat ni Sue si Akari dahil masakit raw ang katawan nito at medyo nahihilo pa.

“Ikaw nga din hindi nagbago e. Nakakapagbuhat ka parin ng baboy.” sarkastikong sabi naman ni Navi.

Nang marinig ni Akari ang sinabi ng kaibigan ay agad niya itong binatukan pero mabilis na nakailag si Navi. “ANONG BABOY HA? HINDI KAYA AKO MATABA!”

“May binaggit ba akong pangalan? Wala naman diba?”

“Grr!”

“Haysss. Tumigil na nga kayo. Tinitingnan tayo ng mga tao. Wag kayong sumigaw.” suway naman sa kanila ni Sue.

“Dapat kasi nagpaiwan ka nalang sa kotse nang hindi mo pinapahirapan si Jasmin sa pagbuhat sa iyo.” sermon ni Navi.

Pasiring na nag iwas ng tingin si Akari. Alam naman niya iyon pero.... “Pakiramdam ko kasi may iba pang dahilan kaya mo inimbita na mag shopping kasama mo si Sue.” wika niya.

“Tss. Malakas parin ang pakiramdam mo huh. Mabuti at di ka pa kinakalawang Jiro.

“Wag mo nga akong tawagin sa pangalan na yan. Tsaka, anong kinakalawang?? Ano ako? Bakal?”

“Bwahahaha! Ayaw mong tinatawag kang Jiro e dati gustong gusto mo na yun ang itawag namin sayo. Pangalan mo rin yun no!”

“A-alam ko! Pero iba yung dati!”

Tumawa rin si Sue, “Oo nga no? Hahaha dati mas gusto mo ang pangalawang pangalan mo na Jiro kesa sa Akari. Pero ngayon kabaliktaran na. Hahaha”

“T-tumigil na nga kayo!” sigaw ni Akari pero hindi siya pinansin ng dalawa na patuloy siyang pinagtataawanan. Mga kaibigan niya ba talaga ang mga ito? Hayyy

Pero ilang saglit lang ay biglang sumeryoso si Navi habang nakatungo at sa daan lang nakatingin. “Tama ka. May ibang dahilan pa ako kaya ko inimbita si Jasmin. Gusto kong..... sabihin na ang totoo.” pag iiba niya sa usapan. Natahimik narin ang dalawa at sumeryoso katulad niya. “A-ang tunay kong pangalan ay.... Natalia. At kapatid ko si L-Lorcan,” pagtatapat niya.

Napahinto sa paglalakad si Sue kaya huminto rin si Natalia. Nakaharap sila sa isa't isa ngunit hindi nakatingin ng diretso si Natalia dahil nakatungo padin ito.

“Navi.” sambit ni Sue. Nang marinig ni Navi na binanggit ni Sue ang peke niyang pangalan ay dahan dahan niyang iniangat ang kaniyang tingin sa dalawa. Napakuyom siya ng kamao dahil alam niyang magagalit sa kaniya ang mga kabigan. Pero inaasahan na niya yun at hindi siya magsisisi, tatanggapin niya ang kahit na anumang sasabihin sa kaniya ng mga ito kahit pa ipagtabuyan siya at hindi na patatawarin pa dahil sa maraming kasalanan na nagawa niya kasama ang nakatatandang kapatid. Iniisip niyang nararapat lamang iyon sa katulad niyang traydor na kaibigan.

Pero malayo sa inaasahan niya ang nangyari.

Pinisil ng dalawa ang magkabilang pisngi ni Natalia. “Gaga ka ba? Ikaw ata itong nangangalawang e. Nangangalawang ang utak.” naniningkit ang mga mata ni Akari habang nakatingin kay Navi.

“Alam naming ikaw si Natalia matagal na. Hindi ba't ang gamit nating pangalan sa organisasyon noon ay mga pekeng pangalan lamang? Ang gamit mo ay ang pangalan na Navi kaya alam naming peke lang yun.” aniya pa ni Sue.

“P-paano niyo nalaman ang tunay kong pangalan?”

“Ah. Kay Lorcan namin nalaman.” sagot ni Sue na inalala kung paano nila nalaman ang pangalan ni Natalia mula sa kapatid nito.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon