Chapter 45

48.7K 2K 261
                                    

Chapter 45

Sue's Pov:

Pagdating namin sa bahay nila Akari ay naabutan na namin siya sa labas ng gate nila at nag hihintay. Gusto ko mang lumabas ay pinigilan ako ni Von kaya kumaway na lamang ako.

“Hi Akari!” bati ko.

“Get in.” ani ni Von na sinunod naman ni Akari. Nang makasakay siya ay doon ko lang napansin na may dala siyang basket na tinatakpan ng tela.

Pinaandar na ni Von ang kotse at pabalik na kami sa bahay. Lumingon ako sa likod, “Akari, ano yan?” tanong ko na itinuro ang kandong niyang basket.

“Fruits pinabibigay ni mommy sayo.” nagliwanag naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Talaga?? Waaah! Salamat! Thank you talaga”

“Hahaha your welcome”

Nang makauwi na kami ay naabutan na namin sa loob ng bahay sila Hunter. Kaniya kaniya sila ng pwesto sa buong bahay. Hahaha

Si Hunter nasa sala nanonood ng anime kasama si Josh at Clinton . Si clover na.... ayun at nagbabasa parin ng libro, sa hagdan siya nakapwesto, nakaupo. Samantalang si Finn ay nasa.....

“Hi ma'am Sue! Sino yang kasama mo?” eto pala! Si Finn narito na pala sa tabi ko hahaha. Nagtanong siya at itinuro si Akari na nasa kusina ngayon.

“Get away, Finn.” pagtataboy sa kaniya ni Von. Pero pinigilan ko si Finn.

“Bestfriend ko. Si Akari.,” pagpapakilala ko.

Napatango tango naman siya, “Ah. Eh miss Sue, single ba siya? Pwede ko siyang—” hindi na siya pinatapos ni Clinton dahil nasa likuran ko na pala.

“Hindi.” halos mapaigtad ako sa gulat dahil sa pagsulpot niya sa likod ko. Halos mangiyak pa ako dahil sa sobrang gulat. Huhuhu bakit ba kasi trip nilang bigla bigla nalang sumusulpot tapos manggugulat╥﹏╥

“O-oh. Sorry Sue. I-I didn't mean to—”

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. “H-hindi sige ayos lang hehehe.” wika ko. Ayos lang yan kuya Clinton, tanggap parin kita kahit ganyan ka kainusente pag di mo alam na nanggugulat ka na palaಥ_ಥ. “Wag mo nalang sana uulitin.”

Nakita kong sinamaan ni Von ng tingin si Clinton, kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay at nginitian.

d-,-'b. Ayoko namang pagalitan sila ni Von dahil baka mabaril lang sila nito. “Ah, o-oo nga pala. Maiwan ko na muna kayo rito. Kailangan rin kasi ako ni Akari sa kusina, wala siyang kasama.” hindi ko na hinintay pa ang tugon nila at pumunta na sa kusina.

“Oh?! Hindi ba't sinabi ko nang ako na rito sa kusina besh? Hindi ka pa masyadong magaling. Kadi-discharge mo lang. Aishhh!” sermon ni Akari saakin pagkalapit ko sa kaniya. Ang suplada talaga ng bespren ko-,- Sasamahan ko lang naman siya, nasermonan naman ako. hayss!

*DING DONG*

“Si E!” lalabas na sana ko ng kusina para sana ako na ang sasalubong at pagbubuksan ng gate ang bisita nang magprisinta si Akari.

“Ako na.” Wala naman akong nagawa dahil ayoko namang masabon niya ako.

Pumunta ako sa may sala at lumapit kay Von. Doon ko hinintay sila Akari na makapasok. Excited na kong mskita uli si Carl! Hihihi. Iniisip ko.... kailan kaya ako magkakaroon ng sariling Carl? Hihihi sana malapit na. Pero paano?( ̄‐ ̄)

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon