Chapter 48

43.4K 1.9K 293
                                    

Chapter 48

SUE's POV:

Nasa kotse kami ngayon at si Von ang nag mamaneho. Nasa backseat ko katabi ko si Eren na tahimik lang habang nakadungaw sa bintana. Habang ako ganun din.

“Eren. Tutal maaga pa naman gusto mo bang mamasyal muna tayo?” nakangiting tanong ko sa kaniya. Lumingon siya at bahagyang ngumiti bago tumango.

Hihihi alam mo may naisip na ko eh. Gusto mo bang sa peryahan o amusement park tayo pumunta? Ang alam ko kasi ay may nagbukas na ganon malapit rito. Siguradong masa—”

“H-hindi na po pala!” sabi niya na ibinalik ang tingin sa bintana.

Nabigla naman ako dahil halos sumigaw siya eh nasa tabi lang nama niya ako. Huhuhu ayaw niya ba sa peryahan? Bakit?

Nakita ko sa peripheral vision ko ang tingin ni Von sa salamin. Kung hindi ko nagkakamali ay naka arko na naman kilay non. Siguradong mas nagalit siya dahil roon. Hindi ko kasi masabi kung mahilig ba sa bata itong asawa ko. Hindi ko rin naman masasabi na hindi eh gusto nga niyang magka baby kami.

Ayaw mo? Ahm.... eh saan mo gusto?” mahinhin na tanong ko para hindi niya isipin na nagalit ako kahit hindi naman talaga. Nag aalala nga ako, dahil baka may malalim siyang dahilan kung bakit ayaw niyang pumunta kami sa amusement park.

Nakatungo siya habang nahihiyang lumingon sakin. “S-sorry... Kahit saan basta... wag doon.” sabi niya habang nakatungo parin.

Ginulo ko ang buhok niya. Sige. Hubby, sa Jollibee tayo pumunta!” masaya kong sigaw.

Nag angat ng tingin si Eren at napansin ko na namumula siya.

“T-tss. I can't... take you there.” si Von na mukhang kinakabahan.

“Von? Pati ba naman ikaw? Bakit? Bakit hindi mo kami madala sa JOLLIBEE??” kunot noong tanong ko na nameywang pa.

“Is that.... a restaurant hon? Hindi pa ako nakakapunta sa ganong lugar kaya... hindi ko alam kung saan makakakita ng ganon.” sabi niya na siyang namumula na rin. Pfft. Ang cute niya hihihi.

“Pfft! Hahahahahaha!” tawa ko. Narinig kong pasimple rin tumatawa si Eren. “HAHAHAHA”

“What's funny? Tss. Stop it. I'm serious!” hahahaha galit na siya.

“Teka ituturo ko. Narito kasi tayo ngayon sa bayan kaya siguradong may makikitaayun oh! Yung may malaking statue na pula sa entrance, Von.” turo ko sa madadaanan na naming JOLLIBEE.

Ipinarada ni Von ang kotse sa parking lot. Tsaka naman kami agad lumabas ni Eren at pumasok na sa loob. Hawak ko ang kamay ni Eren para hindi siya mawala.

“Ako na ang mag oorder. Maghanap nalang kayo ng magiging pwesto natin.” sabi ko. Ibinigay ko kay Von si Eren. “Eren, samahan mo si Von. Okay?” tumango lang siya.

“Use my card.” sabi ni Von na ibinigay saakin ang isang black na card. Hindi ko alam ito dahil ngayon lang naman ako nakakita nito.

Nang makaalis na sila ay pumila na ako para makapag order na. Hindi ko alam kung ano ang gusto nilang kainin kaya.... bahala na hehehe

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon