Chapter 28

54.7K 2.2K 174
                                    

Chapter 28

SUE's POV:

Habang abala ako sa panonood ng episode's ng series ng Doreamon, dahil wala pa naman kasing ibinibigay saakin na task ni BOSS VON.

Pfft. Boss Von, hihihi.

So yun na nga, habang abala ako sa panonood ay may bigla nalang-

*pak!*

May humampas lang naman ng medyo malakas sa aking lamesa, at mukhang galit po siya huhuhu

Sa gulat at pagkabigla ay napabaliktwas ako ng tayo, "B-Bakit po?" kinakabahang tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Pero teka.... nanlaki ang mata ko nang mapagtanto at makilala ko siya. "Navy??" di makapaniwalang tanong ko.

Nanlaki din ang mata niya, "Jasmin??" di rin siya makapaniwala. "Hala! Sabi ko na nga ba ikaw yun eh. Ikaw pala yung bagong sekretarya ni sir Vaughn?! Omygosh! Paano??"

Napakamot naman ako sa aking bakot, "Nag apply syempre hahaha."

Napasapo naman siya sa kaniyang noo, "Ah, yeah. Nga naman. Hahaha but I'm happy padin na nadito ka. By the way, I missed you Jasmin." sabi niya pa na nilapitan ako at niyakap saglit pagkatapos ay kumalas din.

"Hehehe namiss din kita Navy. Bakit mo nga pala ako pinuntahan dito?"

"Eh kasiii, namukhaan kita kanina kaya hinanap kita at pinuntahan kung tama nga ba ang hula ko. At ikaw nga talaga. Hahaha," tawa niya. Natawa din ako kahit hindi ko alam kung ano nga ba ang nakakatawa sa sinabi niya. "-pero isa pang dahilan ay lunch time na, yayayain sana kitang mag lunch. Tara." aniya.

Napatingin naman agad ako sa relo kong doreamon ang design, ay hala! Oo nga, 12 na pala ng tanghali.

Kailangan kong bumili ng lunch ni Von.

"Ahm, Navy,"

"Hm?"

"Pwede bang, samahan mo muna ako. Kailangan ko kasing bilhan ng lunch muna si Vo-sir Von pala hehehe."

"Yeah, sure! You're right, dapat bilhan muna natin ng lunch si sir. Let's go." agad naman akong tumango at kinuha ang cute blue na mini back bag ko.

Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant at nag take out ng pagkain pagkatapos ay agad ding bumalik ng kompanya para ihatid kay Von ang tanghalian niya.

"Hintayin mo muna ako rito Navy ha." sambit ko.

Tumango naman siya, "Sige, bilisan mo ha."

Nakangiti naman din akong tumango bilang tugon.

Pagkapasok ko ng opisina ni Von ay naabutan ko pa siyang nakatutok sa kaniyang laptop at abala sa pagtitipa gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay may hawak na ballpen at may isinusulat sa isang kwaderno. Napakaseryoso niya, nakakatakot estorbohin huhuhu.

Wala na sila ate Van, mukhang nakaalis na kanina habang wala kami.

Kumatok muna ako para agawin ang atensyon niya. Nang lingunin niya ako ay ngumiti ako agad at itinaas ang dalang paperbag na laman ang ini-take out ko kanina.

Nagbago naman ang kaniyang ekspresyon at ginantihan ako ng matipid na ngiti, hihihi

Pumunta ako sa gitna at inilapag sa glass table ang dala. "Von, eto oh. Binilhan kita ng lunch mo. Kumain ka na hihihi." sabi ko.

Isinara naman niya ang kaniyang laptop at tumayo pagkatapos ay naglakad palapit rito.

Inilabas ko na ang mga pinamili ko at inihanda sa lamesa. Nang matapos ay humarap na ako sa kaniya. Nakaupo na siya sa couch at nakatingin sa akin.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon