Chapter 6

81.2K 2.8K 264
                                    

Chapter 6: Singsing

SUE'S POV:

Swerte ko dahil pag uwi ko hindi ko naabutan sila tsang sa bahay. Mukhang lumabas silang tatlo nila pinsan.




*sigh*




Edi walang storbo at walang mag uutos saakin ng kung anong gagawin ko. Hehe




Nagpalit ako ng pambahay tsaka sinimulang maglinis. 5 pm na nang dumating sila tsang at mabuti nalang dahil tapos na lahat ng trabaho ko.





Hindi muna ako natulog dahil nagreview pa ako. Dahil second day ng exam namin bukas. Hayyy. Sana agahan ni Von bukas. Yung lollipop ko.




-kinabukasan-




Nandito ako ngayon sa may labas ng gate hinihintay sila Von. Amp! Antagal nila.





"Oh Sue tara na sa loob."





"Mauna ka na Akari. Kunin mo na itong bag ko dahil baka i-absent ako ni ma'am." tsaka ko ibi igay sakaniya yung bag ko.




"Sigurado ka?" tumango naman ako. Naiwan ako sa labas na naghihintay.




"Iha isasara ko na tong gate pumasok ka na." aniya manong guard kaya nataranta ako.




"Pwede po bang 1 minute pa?"




"Pero iha hindi ka na ba late? Exam niyo pa naman ngayon." bagsak ang balikat ko na pumasok sa loob.




Bago ako makaalis ng tuluyan nilingon ko sa huling pagkakataon yung gate. Hayyy.... siguro nakalimutan niya na. Ang sad naman huhuhu.




//FORWARD//



*kriiiiiiinnngggg*



Half day padin kaya naman tanghali na ay marami nang estudyante ang nagsiuwian.





"Nga pala Sue. Eto oh. Dalawang pack ng lollipop." kaya naman nagliwanag ang mga mata ko nang makita ang hawak niya. Agad ko itong tinanggap.





"Waah! Thank you Akari! Yey! Mukhang di na ako mauubusan nito ah."




Papalabas na kami ng gate nang lapitan ako ni manong guard kaya napahinto muna kami ni Akari sa paglalakad.





"Iha." tawag niya saakin.




"Bakit po?" Tanong ko.




"Eto oh. May binata kasing dumating kanina sabi niya ibigay ko daw ito sayo." sambit niya na inabot ang isang cute na paper bag. Tinanggap ko naman ito agad.




"Salamat po manong." nagsimula uli kami ni Akari sa paglalakad habang tinitingnan yung paper bag. "Akala ko nakalimutan niya na. "  tsaka ako napabungisngis sa tuwa.




"Sue ano yan?" Tanong ni Akari sabay turo sa dala ko.




"Eto ba? Lollipop. Hihihi" Tugon ko naman.




"Lollipop? Kanino galing?" Tanong niya uli. "Teka, may manliligaw ka na Sue?!" Luhh manliligaw agad? Di ba pwedeng asawa lang? Hihihi.




"Wala nuh!"




"Weh? So kanino galing yan?" tanong niya uli.




The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon