Chapter 59

35.8K 1.6K 213
                                    

Chapter 59

“Boss dala na namin yung ina nung bata.”

Lahat ay napalingon sa dumating na mga kalalakihan. Ang isa ay may buhat sa balikat na babaeng natatakpan ng tela ang ulo. Tsaka nila ito inilapagat inupo sa isang upuan sa stage.

Nanigas sa kinatatayuan sila Akari at Natalia. Agad na binigyan ni Natalia ng masamang tingin si Ron.

“Ron! Sinabi ko na sayong huwag niyong dudukutin yung nanay nung bata di'ba!!!” sigaw niya sa kaniya.

Umarko ang kilay ni Ron at sinagot siya, “Kahit hindi ko alam ang dahilan mo sinunod ko ang sinabi mo. Si Maddie ang nagpadukot sa kaniya.”

Sila Vaughn ay napatayo nang marinig ang sinabi ng lalake. “Sue?!” arko ang kilay niyang banggit sa pangalan ng asawa. “Hunter, Clinton.” nagtanguan naman ang dalawa at akmang aalis nang pigilan sila ni Max.

“Manood nalang muna kayo. Mas lalong magkakagulo pag nalaman nilang dumating ka para sa kanila.”

“So gusto mo lang na manood kami habang si miss Sue nandoon at—” hindi natapos ang sinasabi ni Hunter nang magsalita si Kenneth

“Wag kayong umalis. Manood muna kayo. And certainly, mas makikilala niyo si Jasmin-san ngayong... dumating siya.”

***

Napayakap sa sarili si R. “Guys, feeling ko parang may hindi magandang mangyayari.” wika niya.

“Tanggalin niyo na yang inilagay niyo sa ulo niya.” utos naman ni Maddie na ngingisi ngisi at hindi na makapaghintay na pahirapan ang nang agaw kuno ng dapat na siyang pakakasalan niya.

Tumango ang lalakeng nagdala sa babae atsaka niya tinanggal ang nakatakip sa ulo nito. Pagkatanggal niya hindi agad nakita ang kaniyang hitsura dahil nakatungo ito at natatakpan ng mga hibla ng buhok ang kaniyang mukha. Tinanggal na din ng lalake ang panyong nakatali sa bibig ng babae.

“Ilabas niyo na ang bata Ron.” madiin na utos ni Akari kay Ron na hindi alam kung bakit ganitong parang takot si Jiro sa ina ng bata.

Nagulat ang lahat nang makarinig ng pagkabagsak ng kadena sa sahig. Naagaw din yun ang atensyon nina Vaughn kaya napalingon sila sa babaeng naka upo at nakayuko ngayon sa stage.

Tumayo ito atsaka dahan dahang itinaas ang dalawang kamay sa ere.

“Yung k-kadenang nakatali sa kaniya.” R

“Hoy Kyle. Hindi ko sinabing pati ang nakatali sa kamay niya tanggalin mo!” Maddie

“H-hindi ko yun tinanggal. Ni hindi ko yun ginalaw kaya paano yun matatanggal?” tugon ni Kyle na nagulat din at hindi makapaniwalang natanggal ang itinali nilang kadena sa kamay ng dalaga. Impossible. Nasa kanila pa ang susi— “T-teka... N-nasan ang.... nasaan ang susi?!”

“S-Sue...” si Akari na hindi alam kung ano ang gagawin dahil nagulat din ito sa pagdating ni Sue.

Halos mapatalon sa gulat ang lahat nang bigla itong sumigaw ng-“Yah!” habang nakataas parin ang dalawang kamay at nag uunat unat. Pagkatapos ay umayos na ng tayo, “Sigh. Sarap ng tulog ko. Hehehe.” Inilibot niya ang tingin sa buong lugar kung nasaan siya ngayon. Kumunot ang noo niya, “Hm? Nandito na tayo? Kuyang delivery boy? Eto na ba yung lugar? Eh?”

Lumapit sa kaniya si Akari. “J-Jasmin.... anong ginagawa mo dito?”

Itinuro ni Sue ang mga lalakeng nagdala sa kaniya dito, “Yang mga delivery boys na dumating sa mansyon kanina dinukot ako. Hindi ko alam ku—” napahinto siya nang may na-realize. Umarko ang kilay niya at sinamaan ng tingin ang mga lalake, “MGA SCAMMER KAYO KUYA?!” hindi makapaniwalang tanong niya na ikinatapilok ng lahat.

Ngayon lang?? Ngayon lang niya na realize kung kailan nangyari na?

Hindi nakasagot ang mga lalake. Kaya mas lalong nag usok ang ilong ng dalagang si Sue. “O KUNG HINDI SCAMMER.... TOKHANG?!” napatakip siya ng bibig. “Ohmygosh! Mabuti nalang talaga at nagpadukot ako. Kung hindi baka nanakawan yung bahay na maraming mamahaling vase. Magagalit si Von pag nanakaw yun  Teka... pati ata yung mga lamesa mamahalin. Ah hindi pati yung mga bulaklak. Phew! Mabuti nalang talaga. Wala pa naman si Von. ” pagkatapos ay napabuntong hininga na para bang nabunutan siya ng tinik.

Kumunot din ang noo ni Vaughn na nakikinig kasama sila Max. Nagngitngit pa ang kaniyang mga ngipin dahil naiinis siya sa kaniyang asawa na mas inisip pa ang mga gamit sa bahay keysa sa sarili niya. Wala nang mas mahalaga pa sa kaniya kundi ang buhay ng kaniyang asawa at ni Eren kaya wala lang sa kaniya kung manakaw ang mga mamahaling gamit sa bahay. “Stupid.” sambit niya pagakatapos ay humalukipkip.

“Bitch! Shut the f*ck up!”

“Huh?” binalingan ni Sue ang sumigaw na iyon. Naningkitang mga mata niya habang nakatingin kay Maddie.

“Oh? Bakit parang pamilyar ka saakin Miss?” tanong niya na napahawak pa sa kaniyang baba at tiningnan mula ulo hanggang paa si Maddie. Itinaas niya ang kaniyang hintuturo nang may naaalala. “Ah! Madison?! Madison tama? Woah. Ang ganda mo parin. At.... masama parin ang tabas ng dila mo. Hihihi. Kumusta na?”

Mas lalong naginit ang ulo ni Maddie nang tawagin siya ni Sue sa maling pangalan na naman.

“Jasmin” inilipat naman ni Sue ang kaniyang atensyon kay Natalia nang tawagin siya nito.

“Oh. Ikaw pala Navi. Bakit ka nandito? Na-scam— ah mali. Na tokhang ka din ba?” tanong niya.

“Jasmin... Ang dumukot sayo ay katulad ng mga taong kumuha kay Eren.” aniya Akari na ikinalaho ng ngiti ni Sue.

Napatungo si Sue pero ilang saglit lang ay itinaas din niyang muli ang kaniyang tingin ngunit iba na ang ekspresyon niya ngayon. Kung kanina inosente at parang bata ngayon ay napakaseryoso na niya pati ang kaniyang nga mata blanko na.

Tiningnan niya si Maddie. Napakuyom ang mga kamay ni Maddie makitang napakalamig ng titig sakaniya ni Jasmin. Ilang taon na ba ang lumipas mula nung huli siyang makatanggap ng ganitong sama ng tingin at makaramdam ng mabigat na aurang tila pumipigil sa kaniyang gumalaw.

“Balak niyong dukutin ang asawa ni Vaughn? Pwes nakuha niyo na ako. Ngayong nasa harapan niyo na ako baka pwede ko nang makita ang anak ko?” malamig niyang tanong.

Umarko ang kilay ni Ron, “Asawa? Anak? D-Don't tell me.... y-you are....”

“My whole name is Jasmin Sue Perez— Boehringer. Ngayon na nasabi ko na ang tunay kong identity sa inyong lahat na narito.” inilibot niya ang tingin sa lahat. “Hindi na ako kabilang sa organisasyon. Ibalik niyo na saakin ang anak ko.”

Nagningning ang mga mata ni R matapos marinig ang sinabi ni Jasmin. “Woah! Kasal ka na Jasmin? Talaga?!!” tuwang tuwa niyang tanong sa dalaga.

Tiningnan siya ni Sue. Kumunot ang noo niya at pinag aralan ang mukha ni R na para bang inaalam kung kilala niya ba ito. “Z?” tanong niya. Bumalik ang ngiti niya nang mamukhaan ang kaharap. Nilingon niya din ang nakahalukipkip sa tabi habang nakatingin din sa kaniya na may hindi-makapaniwalang-reaksyon. “R?!” turo niya sa kaniya atsaka ito nilapitan at niyakap. “R! Grabe namiss kita! Hihihi. Kumusta na? Inaaway ka pa rin ba ni Z?” tanong niya.

“Jasmin. I'm not R. I'm Z.” sabi naman ng kayakap niya na walang nagawa kundi hayaan nalang si Sue.

Napakurap ng tatlong beses si Sue, “Ganon?” pero muli niyang niyakap si Z dahil sa napakalambot at mabango nitong suot na hoodie jacket na parasa kaniya komportableng yakapin. “Edi... hi Z!!! Namiss kita hehehe.”

“Bakit si Z lang may hug?” naiiyak namang tanong ni R na naiinggit sa  kakambal.

Samantalang...

Agad na sinalinan ni Hunter ng alak ang baso ni Vaughn na kanina pa nandidilim ang tingin at nagpipigil sa sarili.

“K-kalma lang boss. Matagal silang hindi nagkita kaya hayaan niyo na. Magkaibigan lang sila. Hehehe. Eto pa o.” pangungumbinsi ni Hunter. Nilingon niya si Kenneth na nagpipigil ng tawa sa gilid, “Dre, kuha ka pa isang bote. Ay, dalawahin mo na pala baka mabitin ulit.”

“Hai!”

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon