Chapter 60

39.1K 1.6K 112
                                    

Chapter 60

“Hihihi.” humakbang paatras si Sue matapos yakapin si Z at pumagitna kina Akari at Natalia. “Jiro, Navi, tara na. Kung ayaw nilang ilabas si Eren edi tayo na mismo ang maghanap.” aniya at akmang pababa na ng stage.

“Teka!” sigaw ni Maddie.

Huminto si Sue at nilingon siya. “Bakit? Sasabihin mo ba kung nasaan siya?”

Kumunot ang noo ni Maddie, “Why would I? Tss. Sa tingin mo ba papayag akong makuha ang bata pagkatapos ay tumakas rito? Ha! Jasmin.... hindi ako makapapayag na makatakas kayo ng ganon ganon lang!”

Naakunot din ng noo si Sue, “Ano bang sinasabi mo Madonna? Hindi naman ako humingi sayo ng permiso kaya bakit mo naman ako pinagbabawalang makaalis dito? Tsk. Ikaw talaga, patawa ka.Hahaha,” muli na syang tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad kasabay ang dalawa.

“It's Maddie not Madonna, stupid!”

“Tara na mga besh hindi pa kumakain si Eren. Baka gutom na yun huhuhu.” nag aalala sabi ni Sue.

Tumango sila Akari, “Sige.”

Umarko lalo ang kilay ng dalagang si Maddie sa inis kina Sue, “Hoy! Ang kapal ng mukha niyong talikuran ako!” singhal niya ngunit hindi siya pinansin ng tatlo.

“Bago ako umalis pinagluto ko siya ng adobo. Special yun kasi hinaluan ko ng peanut butter. Hihihi” Sue

“Oh? Pwede bang dumiretso ako sainyo? Wala kasi si Nat sa bahay na siyang palagi akong nilulutuan.” nakangusong wika naman ni Navi dahil hindi pa nakakalabas ng kulungan ang kapatid.

“Hindi parin ba siya pinapalaya?” Akari

Muling nainis at sumigaw si Maddie, “Mga bastos! Hindi niyo ba ako narinig?!” pero hindi parin siya pinansin ng tatlo. “Grrr! Hoy! Sugurin niyo sila at turuan ng leksyon!” utos niya sa mga nasa baba ng stage.

“Oo nga Navi. Hindi pa ba nakakalaya si Lorcan?”

Umiling si Navi, “Nakakalimutan ko kasing—”

Napahinto sila nang may humarang sa kanilang harapan. Halos lahat ay naglalakad patungo sa kanila upang harangin sila. “Eh? Anong kailangan niyo?” tanong ni Sue pero halos mapaigtad siya sa gulat nang sumigaw ang isang babae ng..

“Patayin sila!”

Biglang sumugod ang babaeng nadaanan ni Sue na malapit sa kaniya. Hindi niya agad yun napansin pero si Akari na siyang katabi ni Sue ang siyang gumalaw at mabilis na sinipa ang babae. Sinipa niya ito sa pisngi, sa lakas ng impact ay nawalan ito ng malay.

Nagkatinginan silang tatlo, “Mukhang wala tayong magagawa kundi ang lumaban”

“Muntik na yun ah! Phew! Salamat Akari.” wika ni Sue na naka angkla ngayon sa braso ni Navi matapos sumipa ni Akari.

Tumango siya, “Mm. Basta maging alerto ka nalang sa susunod. Palapit na sila oh.”

“May armas kayo?” tanong ni Sue.

“Syempre meron!”

“Talaga?? Nasan? Patingin!”

“Kuso!(dammit) Naiwan natin sa trunk Navi.”

“Ay hala. Oo nga girl! Shet!”

“Pfft. Buti nalang ako meron.” taas noo namang sabi ni Sue.

“Eh?”

Binalingan niya ng tingin si Z at nakangiting kinawayan. “Z! Salamat rito ha!” sabi niya habang kinakaway sa ere ang hawak niyang tatlong dagger. Pagkatapos ay mabilis na inihagis ng sabay sabay sa mga nagtatangkang sumugod sa kanila. Ngumiti siya at agad na pinuntahan ang natamaan ng kaniyang ginawang pag atake upang kunin ang dagger at ihagis muli sa ibang kalaban. Tatlong tao ang napapatumba niya sa isang pag atake gamit ang tatlong dagger sa iisang tira. Hindi na agad nakakatayo ang natatamaan dahil binti ang unang pinupuntirya niya.

The Billionaire's Childish Wife (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon