CHAPTER 12

377 31 0
                                    

Reese's POV

Habang tutok ang paningin ko sa pagmamaneho ay pilit ko paring pinapakiramdaman si Arabella na katabi ko.

Tahimik lang itong nakatanaw sa bintana na animo'y ang lalim ng iniisip.

Napabuntong hininga na lang ako at inihinto ang sasakyan sa harap ng isang fine dining restaurant. Napangisi pa ako nang maramdamang natigilan ang katabi ko.

Akmang pababa na ako nang hinawakan ako nito sa braso. Nagtataka ko pa itong tinignan.

"Anong ginagawa natin dito?" Kunot na kunot ang noo nito.

Inosente ko syang tinignan. "Kakain?"

"Bakit sa ganitong restaurant pa? Eh pormalan yan, nakapants lang ako."  Naiilang na ani nito habang bahagyang nahihiya pa.

Gusto kong matawa nang pagmasdan ang kabuuan nya. Nakasuot nga lang sya ng itim na pants na medyo maluwag, loose white T-shirt at white shoes. Simple pero bagay na bagay sa kanya. Hindi nga lang bagay sa kakainan namin.

Gustong mahiya ng red sleeveless bodycon dress ko.

"Wag ka nang umangal. Tara na, gutom na ko." Pinal na sabi ko at tuluyang lumabas ng kotse.

Mabagal itong lumabas ng kotse ng kotse. Tila iniisip pa kung tama bang sumama sya sakin ngayon.

"Kita mo ba mga suotan nila? Nakakahiya naman eh." Problemadong sabi pa nito. Napangiwi naman ako.

"Aba't aanhin mo ang magagandang damit kung panget naman ang nagsusuot? Eh mas magaganda ka pa sa mga 'yan eh. Tara na nga!" Walang babala ko syang hinatak papasok.

Kita ko ang pagsama ng muka ng mga babaeng nadaanan namin habang nakatingin kay Ara. Agad ko naman silang sinamaan ng tingin isa isa.

Psh.

Arabella's POV

Nakayuko lang ako habang nakikiramdam sa paligid. Ewan ko pero pakiramdam ko'y pinagtitinginan ako.

Ayoko talaga sa gantong mga lugar. Bukod sa wala akong pera, konti rin mga servings. Hindi nakakabusog. Mas okay pang kumain sa karendirya.

Sinundan ko lang si Resse na tumungo sa isang table pagkatapos ay naupo kaming pareho. Hinayaan ko lang sya sa pag-order ng mga pagkain dahil sya naman ang may alam sa mga ganon at bukod doon ay ayokong makita ang mga presyo at baka umatras lang ang gutom ko.

"Anong gusto mo?" Baling nito sakin.

Napatingin naman ako sa waitress na nakangiti naman sakin. "K-Kahit ano. Kung ano yung masarap." Wala sa sariling sagot ko. Bigla ay gusto kong mahiya nang bahagyang tumawa si Reese.

Napatingin naman ako kay Reese na talagang nangingibabaw sa buong lugar. Talagang maganda sya at maganda rin ang pinagmulang pamilya. Minsan nga'y gusto kong maiingit sa kanya dahil kasama nya pa ang papa nya na parehong pareho ng ugali sa papa ko.

Sopistikada ang kilos nito at halata mong sanay na sanay na sa mga ganitong lugar. Habang ako nama'y halos takot kumilos dahil baka may magawang mali at maipahiya pa ang sarili ko.

Ipinatong nito ang siko sa table at nakapalumbabang tumingin sakin. "Balita ko schoolmate mo iyong Yoo brothers?"

"Yoo brothers?" Takang tanong ko.

Point of retreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon