CHAPTER 26

239 30 0
                                    

Arabella's POV

"You okay?" Nangibabaw ang boses ni Liam.

Nagulat ako pa ako nang tabihan ako nito. Nakatambay kasi ako mag-isa aa balcony. Gusto ko lang ng hangin at isa pa ay ang ingay sa loob. Nangingibabaw ang walang tigil na bibig ni Reese.

Napalingon ako kay Liam. Nakita ko pa itong nakapalumbaba habang nakapatong ang kaliwang siko nya sa railings at titig na titig sakin. Saglit ko pang napagmasdan ang bahagyang magulo nyang buhok na marahang sumasabay sa hangin. Bahagya pang natamaan ng araw ang muka nya kaya naging malinaw sa paningin ko ang kulay tsokolate nitong mata. Maging ang mahaba nitong pilik mata na bahagyang makapal ay hindi rin nakatakas sa paningin ko.

Sobrang gwapo.

Hindi ko man lang napansin na nasa tabi ko na pala ito. Ganon nga siguro ako kalutang. "Ang gwapo mo." Kusa iyong lumabas sa bibig ko pero hindi ko naman pinagsisihan. Totoo naman kasi.

Nakita ko pa ang gulat na gumuhit sa mata nito. Pinagmasdan ko lang ang mga ekspresyon nya sa muka. Gusto ko pang matawa dahil para bang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Natitilan itong napatingin pa sakin.

"Why are you saying such things?" Pilit nitong tinakpan ng pagsimangot ang ekspresyon.

Natawa ako. "Wala eh. Iyon kasi ang nakikita ko." Nagkibit balikat pa ako.

Umayos naman ito ng tayo at mabilis na inilipat ang paningin sa magandang view. "Do you really plan to kill me?" Nakasimangot nitong saad.

"Psh, alangang hindi mo alam kung anong itsura mo?" Napangiwi pa ako.

Marahas ako nitong nilingon. Matiim nya akong tinignan. "Alam mong iba 'yon kapag galing sa'yo."

Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa ako ang naunang nagbawi ng paningin. Binalik ko ang paningin ko sa mga nagdadaanang sasakyan sa baba. "Sana hanggang sa dulo, ganito parin tayo." Mahina ang tinig na saad ko. Tila halos pabulong lang pero sapat naman para marinig nya.

"I just really like you." Muli akong humarap sa kanya at ngumiti.

Hindi ako natatakot sabihin iyon sa kanyan dahil 'yon naman kasi talaga ang totoo. Gusto ko lang malaman nya kung gaano kalalim ang nararamdan ko para sa kanya. Hindi ko nga alam kung mahal ko na nga ba sya. Hindi naman na 'yon siguro malabo kung ganito ba naman ang trato nya sakin. Araw araw pa akong nagdadasal na sana ay pareho kami ng nararamdaman. Ayoko namang maiwan sa ere at umasa lang.

Hindi naman ako nagsisisi na nakilala kita.

"Sa tingin ko nga ay hindi na 'like' itong nararamdaman ko." Dagdag ko pa at bahagyang tumawa.

Gumuhit ang ngiti sa labi nya, maski ang mata nya ay halos mawala na. "I love you more than you think." Sinabi nya 'yon habang diretsyong nakatingin sa mga mata ko.

Maya maya'y bahagya pa itong lumapit sakin at kinuha ang isang kamay ko. Ang paningin nito ay nasa mga nagtataasang buildings. Napangiti pa ako nang paglaruan nya ang kamay ko. Nakita ko pa kung gaano kalayo ang laki ng kamay namin. Kung tutuusin ay mas maganda pa nga ang kamay nya sakin.

"I really want to be an actor." Biglang sabi nito.

Napataas pa ang kilay ko. Hindi ko lang talaga inakalang may interes sya sa pag-arte. Sa kabilang banda ay bagay na bagay naman iyon sa kanya. Sa gwapo nyang 'yan ay talagang sisikat sya.

"Bata pa lang ako ay gusto ko talaga sa larangang iyon. Lalo na ngayon, para sa future ko." Nakita ko pa ang pagningning ng mata nito.

Lumamlam naman ang mata ko. Ang inasahan ko ay kasama na ako sa future na tutuparin mo.

Point of retreatWhere stories live. Discover now