CHAPTER 10

404 33 0
                                    

Arabella's POV

Nakapalumbaba lang ako habang nakatulala sa bintana. Napatingin pa ako sa blangkong upuan ni Luna. Wala akong ideya kung bakit hindi sya pumasok ngayon. Gusto ko man syang itext ay paniguradong hindi naman nya ako sasagutin.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa mga kaklase kong abala sa pagtingin sa mga grado naming nakapaskil sa whiteboard. Nakalagay narin doon ang top 10 pero nasisiguro ko naman na si Beatrice parin ang nananatili sa top 1.

Wala sa sarili ko itong nilingon at bahagyang natigilan pa ako nang makitang nakatingin rin ito sakin. Ngumiti naman ako agad at kumaway pa sa kanya pero mabilis itong nag-iwas ng paningin sakin. Napangiwi naman ako at napapailing na ibinaba ang kamay ko.

"Sayang si Arabella no? Dapat sya ang nasa top 1 eh." Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulong ng mga kaklase ko. Mabilis akong napalingon dito.

"Oo. Kaso, kahit sobrang talino nya, wala syang laban sa sipsip." Ani ng isa at nilingon pa si Beatrice.

Alam kong narinig nya rin iyon dahil napayuko sya. Napabuntong hininga naman ako at sinamaan ng tingin ang mga nagbubulungan. Napaayos naman ang mga ito ng upo.

Dumaan ang ilan pa naming subjects at puro pag-aanunsyo lang ng mga grado namin ang nangyare. Wala naman akong pakielam dahil alam ko sa sarili kong wala naman akong paglalaanan ng mga iyon.

Natural sa mga estudyante na magaral nang mabuti para maging proud ang parents nila sa kanila, pero sakin, parang wala namang kwenta. Sa totoo'y naiinggit ako sa mga estudyante na kapag gantong panahon ay excited na ipakita ang pinaghirapang grado sa mga magulang. Sabik na makatanggap ng magagandang salita mula sa mga magulang para kahit papaano'y mapunan ang pagod sa pagaaral.

Mapait akong napangiti. Sa lagay ko ay sobrang labo na non.

Papa..

Napabuntong hininga ako at dumiretsyo sa cafeteria. Malamya akong umorder at akmang uupo na sa palagi kong pwesto nang makita ko si Beatrice. Mag-isa lang ito sa mahabang table at nakayuko. Saglit pa akong napaisip at dumiretsyo ng upo roon.

Nakita kong bahagya itong natigilan kaya agad akong ngumiti rito. Naiilang naman itong nagangat ng paningin sakin.

"Hi. Can I sit here?" Magiliw na tanong ko. Nakayuko naman itong tumango. Lalo akong napangiti.

Naging tahimik kami pareho. Gusto kong basagin ang katahimikan pero ayokong mailang sya lalo sakin.

Nagulat pa ako nang bigla itong tumayo. Napatingin pa ako sa pinagkainan nito. Mas marami syang pagkain sakin nung dinatnan ko sya pero mas mabilis pa syang natapos.

"Mauuna na ako." Mahina nya iyong sinabi habang nakayuko. Kung mahina lang ang pandinig ko ay baka hindi ko sya narinig.

Nagugulat pa akong sinundan ito ng tingin habang nagmamadaling umalis. Napailing pa ako at tinapos ang pagkain.

Hindi naman sinasadyang napatingin ako mesa ng magkapatid. Agad hinanap ng paningin ko si Liam pero tanging si Levi lang ang nandoon. Wala naman akong lakas ng loob para magtanong.

Nanatili akong nakatanaw sa kanya hanggang sa humarap ito banda sakin. Sakto namang nagtama ang paningin namin. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat dito. Ilang sandali pa kaming nanatiling ganon hanggang sa ito ang kusang nagbitaw ng paningin.

Point of retreatWhere stories live. Discover now