CHAPTER 41

145 23 0
                                    

Reese's POV

Laking gulat ko nang biglang agawin sakin ni Ara ang hawak kong payong. Nais ko pa sana syang tanungin kung saan sya pupunta dahil muka syang nagmamadali ngunit mabilis na itong nakaalis. Akma ko pa nga sana syang susundan ngunit pinigilan ako ni Luna.

Napahinto ako nang hawakan ako nito sa braso kaya agad ko syang nilingon. Napakunot pa ang noo ko nang salubong ang kilay nito at nakatingin kung saan.

Agad kong sinundan ang tingin nya at agad ding nagulat nang makita si Liam.

Kung ganon ay tama pala ang nakita ko kahapon.

Pareho kaming hindi umimik habang nakatingin lang sa muling pagkikita ng dalawa. Hindi pa nga namin sila makita ng maayos dahil marami ring nagdadaanan at may mga hawak na payong. Gusto ko mang lumapit pa kahit kaonti ay naisip kong tama rin naman si Luna. Hindi dapat kami makielam sa pag-uusapan nila.

Ang totoo'y tila nag-iba na ang tingin ko kay Liam. Dati ay masaya akong makita sila ng kaibigan ko na magkasama ngunit ngayon ay talagang umiinit ang dugo ko. Wala syang karapatang saktan ng ganon ang kaibigan namin.

Kahit ano pa ang dahilan na ibibigay nya.

Marami syang pwedeng gawing hakbang para tapusin ang namamagitan sa kanila pero mas pinili nyang paasahin at paghintayin si Ara. Maaaring may sarili man syang dahilan pero hinding hindi iyon magiging sapat sa aksyon sa ginawa nya. Kung may nangyari mang hindi maganda ay dapat sinabihan nya si man lanh Ara kahit papaano dahil karapatan nya iyon.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Tara muna sa loob. Dun na lang natin sya hintayin." Suhestiyon ni Luna.

Saglit pa akong hindi kumilos at nag-aalalang napatingin sa kinaroroonan ng kaibigan namin. Nag-aalala ako at iniisip ang nararamdaman nya. Nakakasiguro rin kasi ako na magkasama si Liam at 'yung Bella. Alam kong hindi talaga maganda ang mood at pakiramdam ni Ara kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

"Let's go."

Hindi na ako hinintay pang makasagot ni Luna at basta na lang hinatak pabalik sa kainina. Hindi naman na ako nakapalag pa at pabagsak na naupo sa upuan.

"Nag-aalala ako." Napapabuntong hininga pa na sabi ko.

Nagpalumbaba naman si Luna at tumingin sa labas na animo'y matatanaw nya sila doon. "Ako rin naman." Inilipat nito ang tingin sakin. "Pero hayaan muna natin sila. Sigurado naman akong alam ni Ara ang ginagawa nya."

Hindi naman ako nakasagot at napatingin na lang rin sa labas. Napanood ko pa ang tila paglakas lalo ng ulan at lalong paglamig ng panahon. Naging mas mabilis pa ang ragasa ng mga tao at sasakyan na para bang takot na takot na mabasa ng ulan.

"Here." Naagaw ang atensyon ko ni Luna. Pagtingin ko ay inaabot nito sakin ang isang coffee.

Agad ko naman iyong tinanggap. "Thanks."

"Parang ang tagal naman ata nya?" Nakangiwing ani ni Luna at tinignan pa ang relos nya.

Dinampot ko pa ang cellphone ko sa table at tinignan din ang oras. Ilang minuto na nga ang nakalipas pero hindi parin bumabalik si Ara. Nag-iwan ako ng mensahe sa kanya oras na hanapin nya kami kaya siguro akong alam nya kung saan kami hahanapin.

Kapwa na lang kaming napailing at pinilit na ilibang ang mga sarili. Naging abala kami sa pag-uusap ng kung ano ano habang naghihintay. Kung ano ano pa nga ang pinagkukwento ni Luna na halos hindi ko na maintindihan. Kapag itong babae na ito talaga ang kasama mo ay hindi ka maiinip. Andaming baon na issue sa buhay.

Point of retreatDonde viven las historias. Descúbrelo ahora