CHAPTER 40

152 23 0
                                    

Arabella's POV

Naalimpungatan ako nang naramdaman ko ang lamig. Dahan dahan ko pang iminulat ang mata ko at doon lang napansin na halos wala na pala akong kumot. Napalingon pa ako sa magkabilang gilid ko at nakita ang dalawa kong kaibigan na parang basta na lang nahiga sa tabi ko. Halos na kay Luna na nga ang lahat ng kumot habang kaming dalawa ni Reese ay kapwa namamaluktot na.

Napangiwi na lang ako at akmang tatayo na sana nang maramdaman ko ang sakit ng ulo. Napa-ingit pa ako at bahagyang minasahe ang sintido ko. Paniguradong hangover ito dahil halos hindi ko na nga matandaan kung ilan 'yung nainom ko kagabi. Bukod doon ay nagpakita pa ako ng kahinaan.

Hindi ko lang kasi talaga inasahang mailalabas ko ang lahat ng bigat ko sa dibdib kagabi. Marahil ay dahil narin sa epekto ng alak. Gayunpaman, hindi naman ako nakaramdam ng pagsisisi dahil kaibigan ko naman sila. Bahagya ring nabawasan ang tila nakabara sa dibdib ko na ilang linggo nang nagpapabigat sa nararamdaman ko.

Napabuntong hininga na lang ako at pilit na bumangon. Bago pa tuluyang lumabas ng kwarto ay inayos ko pa ang kumot nilang dalawa.

Mabagal akong dumiretsyo sa kitchen ay nagtimpla lang ng kape. Pakiramdam ko kasi ay hindi tatanggapin ng sikmura ko ang kahit anong pagkain ngayon. Ang gusto ko lang ay kahit mainitan man lang ang tiyan ko.

Inilapag ko lang ang tasa ng kape sa table sa living room pagkatapos ay tila wala sa sariling naupo sa sofa. Itinaas ko pa ang mga binti ko at niyakap ang tuhod ko. Halos hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na ba akong bumuntong hininga at basta na lang tumulala sa kung saan.

Hindi ko maintindihan ang nararamdan ko. Sobrang sakit na nga ng ginawa ni Liam sakin pero hindi ko parin maitatangging pilit parin akong naghihintay sa kanya. Naghihintay akong humarap sya sakin at sabihin kung ano ba'ng nangyare. Kung ano ba ang naging mali at bakit ganon ganon na lang nya 'ko kinalimutan.

Sigurado naman akong wala akong nagawang mali. Sya pa nga dapat ang nay utang na paliwanag sakin. Sya dapat ang bumawi dahil ako ang girlfriend nya.

Ako pa nga ba?

Kumuyom ang kamay ko.

Naisubsob ko ang muka sa tuhod ko at ilang beses na bumuntong hininga para pigilan ang pag-iinit ng mata ko.

Sobrang sama ng loob ko. Hindi ko pa nga alam kung paano ako maniniwala o magpapatawad pa. Ang totoo'y may halo na ngang galit ang nararamdan ko dahil nagawa nyang ngumiti ng ganoon kaganda sa harapan ng camera habang nandito ako at naghihintay. Nagawa nyang makipagrelasyon na lang basta basta sa iba, kahit kami pa.

Gayunpaman pa man ay gusto ko paring magpaliwanag sya. Gusto kong malaman kung paano nya iyong nagawa. Nararapat lang naman siguro iyong kagustuhan ko, hindi ba? Deserve ko parin ang paliwanag mula sa kanya.

"Morning." Nangibabaw ang boses ni Luna.

Napalingon naman ako dito at nakitang kakalabas lang galing kwarto. Panay pa amg paghikab nito habang kinukusot kusot pa ang mga mata. Nasa likod naman nya ang nakasunod na si Reese.

"Nagugutom na 'ko." Bungad ni Reese at pabagsak pang naupo sa sofa.

"Ako rin." Nakasimangot na ani ni Luna at hinimas himas pa ang tiyan.

Pinakiramdaman ko naman ang sarili. Sigurado akong hindi pa naman ako nagugutom pero bigla ay gusto kong humigop ng mainit na sabaw at kaonting kanin. Bahagyang makulimlim pa sa labas kaya masarap maglakad.

Tumayo ako. "Tara, kain tayo sa labas." Nakangiting pag-aanyaya ko pa.

Agad namang sumang-ayon ang dalawa at nanghiram pa nga ng hoodie ko. Naintindihan ko naman dahil malamig talaga ngayon lalo pa't maaga pa. Sa tingin ko nga'y maya maya ay babagsak narin 'yung ulan.

Point of retreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon