CHAPTER 17

342 31 0
                                    

Arabella's POV

Walang imik ko lang na pinapanood si Luna na animo'y wala sa sarili habang nagbabalat ng prutas na dala nya. Tila malalim ang iniisip nito na titingin sa akin na para bang may gustong sabihin ngunit tila muling nagbago ang isip kaya ibabalik ang tingin sa ginagawa.

"What are you doing?" Nakangiwing tanong ko pa rito. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na lang." Dagdag ko pa.

Napakagat pa ito sa sariling kuko. "A-Ano kasi----sa tingin mo ba, papatol din sa babae iyong ate nila Liam?" Biglang sabi nito na animo'y nahihiya pa.

Nanlaki ang mata kong napatingin dito. "A-Ano?! Akala ko ba'y hindi ka napatol sa babae? Kakasabi mo lang kanina, Luna." Hindi makapaniwalang sabi ko.

Ngumuso ito. "Psh, nagtatanong lang naman." Bubulong bulong na sabi nito habang kumukibot kibot pa ang mga labi.

"Gusto mo na sya agad? Ang bilis naman!" Nginiwian ko ito at inagaw ang hawak nitong mansanas.

"Wala akong sinabing gusto ko na sya! Nagtatanong lang ako!" Biglang bulalas nito na halos mapaatras pa ako.

"Oh, eh bakit mo naman itatanong kung papatol rin na sta sa babae kung wala kang interes sa kanya?" Nanghahamon na sabi ko pa. Lalong humaba ang nguso nito.

"Nagtatanong nga lang.." Animo'y bata itong bumulong bulong muli na ikinaikot ng mata ko.

"Tss." Napailing na lang ako sa asta nito.

Natigil kami sa pag-uusap nang pumasok si Reese. May dala itong maliit na box sa kanang kamay.

"Oh." Inabot nito sa akin ang box na nagtatako namang inabot.

"Para saan ito?" Sinipat sipat ko pa ang kabuuan ng box.

"Regalo ni Daddy."

"Bakit? Para saan?"

Napairap ito at nagpamewang sa harapan ko. "Hindi ba't birthday mo na sa sabado?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Tahimik ko pang inalala ang petsa at bahagya pang nagulat nang mapagtantong malapit na nga pala talaga ang birthday ko. Gusto ko pang matawa dahil kung hindi nya pa sinabi ay paniguradong hindi ko pa maaalala.

"Ah, oo nga pala." Simpleng sagot ko at pinatong anh maliit na box sa mesa.

"Huwag mong sabihing, nakalimutan mo?" Nagugulat pang sabi ni Reese.

Hindi naman ako nakasagot.

Ang totoo'y sa sobrang dami kong ginagawa ay talagang wala na akong oras na magcelebrate pa ng birthday ko. Mag-isa na lang din naman ako kaya naisip kon hindi na iyon pagtuunan pa ng pansin.

Ayoko namang ipagdiwang iyon mag-isa dahil lalo lang akong malulungkot. Ayokong kaawaan ang sarili ko.

Napansin kong nawalan ng imik ang dalawa at tila pinapakiramdaman pa ako. Mukang nangangapa ang mga ito ng dapat sabihin.

"H-Hindi ba't, huwebes na ngayon?" Pambabasag ni Luna sa katahimikan.

Tumango si Reese.

"Edi may oras pa tayo para magplano." Biglang naging excited ang tono nito.

Kumunot ang noo ko. "Anong paplanuhin?"

Sumama ang muka ni Luna. "Birthday mo, malamang!"

Point of retreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon