CHAPTER 4

462 32 0
                                    

Arabella's POV

Dahan dahan kong iminulat ang mata nang tumama ang sinag ng araw sa muka ko. Naiharang ko pa ang palad nang bahagya akong masilaw. Napaingit naman ako nang bahagyang kumirot ang ulo ko.

Gagalaw sana ako nang maramdaman ang bahagyang bigat sa kanang balikat ko. Mabilis akong napalingon dito at agad rin nanlaki ang mga mata nang makitang nakasandal ang ulo ni Liam sa balikat ko.

Agad lumibot ang paningin ko. Nasa labas kaming pareho habang nakasandal sa pader at parehong nakaupo habang yakap ko naman ang tuhod ko. Natigilan pa ako nang makitang nakauniporme rin ito gaya ko.

Napatitig ako sa muka nitong natitulog. Paniguradong sasakit ang likod at batok nya dahil sa pagsandal sakin lalo na't malaki ang agwat ng height namin.

Nanatili akong nakatitig sa muka nya na animo'y sinasaulo iyon. Gusto ko pang magulat nang dahan dahan nyang iminulat ang mga mata at nagtama ang paningin namin. Matiim syang nakatitig sa mga mata ko habang ganon rin ako sa kanya.

Bigla ay nanumbalik sa alaala kung iyong pagdating nya kagabi at hindi pag-alis sa tabi ko hanggang ngayon. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi ko. Isang matamis at totoong ngiti na sya nanaman ang naging dahilan.

Kumunot naman ang noo ko nang bigla itong magbawi ng tingin at tumayo. Inayos nito ang sarili at pinagpag pa ang suot na pants.

Tumayo narin ako at pinagpagan ang sarili nang bigla sumagi sa isip ko ang litrato ni papa. Ang tanging litrato nya na naiwan sa akin.

Mabilis na umikot ang paningin ko sa paligid hanggang sa makita ko nga iyon sa lapag. Agad ko iyong pinulot. Mabilis na lumamlam ang mata ko nang makitang may basag iyon pero kahit papaano'y nagpapasalamat parin dahil kitang kita parin ang matamis na ngiti ng papa ko.

"Are you hungry?" Nangibabaw ang tinig ni Liam.

Napalingon naman ako sa kanya at umiling. "Hindi. Ayos lang." Naging matindi ang pagtanggi ko na nagpakunot sa noo nya. "Umuwi ka na. May pasok nga pala ngayon." Napakamot pa ako sa pisnge ko at ngumiti dito pero tinignan nya lang ako.

Napabuntong hininga ito at hinatak ako sa kamay. Nanlaki naman ang mata ko na nagpatianod sa kanya.

"Ayos nga lang ako—"

"Saan ba banda ang restaurant dito?" Kunot noo nitong bulong. Muntik na akong matawa dahil mukang pareho sila ng kapatid nya na maiksi ang pasensya.

Nakailang libot na kami pero wala kaming makitang bukas. Ramdam ko narin ang pagkulo ng tyan ko. Walang imik kaming naglalakad nang biglang mahagip ng paningin ko ang isang karendirya.

Tumakbo ako doon at sumulip silip pa kung may tao na sa loob. Napangiti naman ako nang makitang nandoon sa loob si lola Paz. Nag-angat ito ng paningin at agad rin napangiti nang makita ako.

Lumingon ako kay Liam at gusto kong matawa nang makita ang pagkailang sa muka nya. Wala na akong nagawa kundi hilahin sya sa loob dahil mukang wala itong balak na kumilos.

"Mabuti naman at bumalik ka ulit dito hija. Ito na ba ang nobyo mo?" Nakangiting tanong ni Lola Paz habang nilalapag ang mga pagkain sa table namin.

Ilang ulit akong umiling. "Nako hindi po. Maraming salamat po sa pagkain." Nakangiting sabi ko at tinulungan ito sa ginagawa. Si Liam naman ay abala ang paningin sa paglilibot sa loob ng karendirya.

Point of retreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon