CHAPTER 15

346 31 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong bahagyang lumubog ang kaliwang parte ng kamang hinihigaan ko. Antok na antok man ay pilit kong dahan dahang iminulat ang aking mga mata.

Ngunit agad akong nagulat nang makita ang isang taong may takit na itim na tela sa muka. Tanging mata lang nito ang nakikita ko.

Akmang sisigaw pa sana ako ngunit mabilis nitong tinakpan ang bibig ko. Agad namasa ang mga mata ko nang naramdaman kong idikit nito ang malamig at matalim na bagay sa leeg ko.

"Wag kang sumigaw kung ayaw mong mamatay." Pagbabanta nito at bahagya pang nadiin ang nakatutok na kutsilyo sa leeg ko. Naramdaman ko pa ang bahagyang paghapdi non.

Hindi ko kilala ang tinig nito kaya't alam kong hindi sya tagarito. Hindi ko rin alam kung ano bang kaylangan nya samin ng papa ko dahil wala naman silang makikitang pwedeng manakaw sa bahay namin.

"Makisama ka na lang.." Halos mangilabot ang buong katawan ko nang ibulong nya iyon sa akin.

Papa..

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang kamay nito sa ilang parte ng katawan ko. Ang luha ko'y tuloy tuloy na tumulo kasabay ang pasimpleng paglibot ng paningin sa kawarto ko, nagbabakasakaling may makitang makakatulong man lang sa akin sa sitwasyong ito.

Nakita ko ang isang mabigat na bagay sa side table ko pasimple ko pa iyong inabot upang hindi mapansin ng lalaking nasa ibabaw ko.

Agad akong nagwala nang maramdaman kong balak nitong ibaba ang suot ko. Kinagat ko ang kamay nitong nakatakip sa bibig ko kaya't bahagya syang nalapayo. Mabilis kong tinulak ang mabigat na bagay na side table ko na agad gumawa ng maingay na bagay.

Bahagya pang nagulat ang lalaki. Agad na gumuhit ang galit sa mga mata nito pagkatapos ay malakas akong sinampal. Nalasahan ko pa ang dugo sa sariling labi ko.

"Arabella?! Anong nangyayare?!" Mabilis na sumaklolo ang papa ko. Natigilan pa ito nang makita ang lalaki.

Hindi naman ako nakasagot at tanging hikbi lang ang naging tugon ko rito.

Nakita kong mabilis na dinampot ni papa ang isang piraso ng tubo sa may pinto ng kwarto ko. Lagi nya iyong nilalagay doon na ngayon ay alam ko na kung para saan.

Walang alinlangan nya iyong inihampas sa lalaki na agad namang natumba at nawalan ng malay.

Punong puno ng pag-aalala ang muka ng papa ko akma pa sana nitong tatakbuhin ang pagitan namin ngunit biglang may lumitaw na isang lalaking nakabalot ang muka sa likuran nya.

Agad nanlaki ang mga mata ko ngunit walang magawang pinanood ang pagtalsik ng dugo mula sa bibig ng papa ko at ang pagmantsa ng dugo sa puting damit nya.

Point of retreatWhere stories live. Discover now