CHAPTER 18

330 31 0
                                    

Arabella's POV

Bago pumasok sa school ay sinadya ko munang dumaan sa hospital na pinagdalhan sa akin. Sinikap kong mas gumising ng maaga kanina para masigurong hindi ako mahuhuli sa klase.

Pagkababa ng bus ay saglit ko pang pinagmasdan ang kabuuan ng hospital. Talagang malaki ito at maganda ang mga pasilidad kaya hindi na ako magtataka kung mas lumaki pa lalo ang bill ko rito. Dito rin kasi dinala ang papa ko bago ito bawian ng buhay.

Lumapit ako sa front desk. Nginitian pa ako ng mga nurse na naroon dahil sa ilang beses na pabalik balik ko rito, maaaring natandaan narin nila ako.

Agad ko itong kinausap ukol sa pinunta ko. Nakangiti pa itong nakinig sakin pagkatapos ay tumingin sa monitor habang nagpipindot sa keyboard. Ilang minuto ang tinagal non at pagkatapos ay nakangiting humarap sakin.

"Bayad na po ang lahat ng bills mo." Nakangiting sabi pa nito.

Tila naman nahinto ang paghinga ko sa narinig. Ilang tao lang naman ang inaasahan kong gagawa nito.

"P-Po?" Tila nabibinging tanong ko pa. Ang sinabi nito ay talagang ayaw pumasok sa isip ko.

"Bayad na po lahat."

Hindi maalis ang ngiti nito habang nakatingin sa akin pagkapatos ay ibinaling ang paningin sa monitor sa harapan nya, tila tinignan pang mabuti para masigurong tama ang nakita nya.

Unti unting bumigat ang dibdib ko. "S-Sino pong nagbayad?" Mahinang tanong ko ngunit sapat lang para marinig niya.

"Ah, si Miss Lara." Singit ng isang nurse.

Kung ganoon ay si Lara pala..

Hindi man si Liam ang mismong nagbayad ay hindi nabawasan ang tila mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Naisuklay ko pa ang kamay sa buhok ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

Tila napuno ng kung ano anong isipin ang utak ko kaya maski ang sinasabi ng mga nurse ay hindi ko na marinig. Matapos magpasalamat ay walang gana pa akong tumalikod dito pagkatapos ay malamyang naglakad palabas ng hospital.

Nahilamos ko ang kamay sa muka. Ang panliliit sa sarili ay muli kong naramdaman. Ang pagitan sa amin ni Liam ay tila mas lalong lumayo. Pakiramdam ko tuloy lalo lang nitong napamuka sa akin kung saan lang ako tamang lumugar.

Alam ko sa sarili kong hindi ko ito dapat isipin pa at magpasalamat na lang. Oo gagawin ko iyon, magpapasalamat ako ngunit ang bigat sa dibdib ko ay tila lalo lang nadagdagan.

Huminto ako sa waiting shed at tumayo lang roon. Hindi na ako nag-abalang umupo pa dahil ang mga paa ko ay kusang gumalaw. Kulang na lang ay umikot ikot pa ako habang malalim ang iniisip.

Ang inipon ko sa loob ng ilang taon ay tila barya barya lang sa kanila.

Awtomatiko akong napahinto sa naisip. Kumuyom ang kamao ko habang unti unting binabalot ng sariling lungkot. Pilit ko mang pigilan ay talagang iyon ang nangingibabaw sakin.

Maya maya'y may huminto sa harapan ko. Imbes na bus ay itim na kotse iyon. Napatingin pa ako sa suot kong relo at nakitang maaga pa naman.

Nanatili lang akong nakatingin doon hanggang bumukas ang bintana nito. Bahagya pa akong nagulat nang lumitaw ang muka ng babaeng ilang beses kong nakitang kasama ng magkakapatid. Iyong akala mong bigla na lang matutumba kapag hindi naalalayan ni Liam.

Nanatiling walang emosyon ang muka ko habang nakatingin rito. Gusto ko pang magtaas ng kilay nang tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngumiti. Hindi naman ako manhid para hindi makitang hindi plastic ang ngiti nya.

Point of retreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon