CHAPTER 30

206 31 0
                                    

Arabella's POV

Panay ang hikab ko habang nakaupo sa sofa. Yakap yakap ko pa ang mga tuhod ko habang tila natutulala pa. Talagang inaantok pa ko. Siguro'y dala narin ng malamig na klima kaya halos hinahatak parin ng malambot na kama ang katawan ko.

Grabeng lamig naman 'to.

"Here." Ani Reese na inabot pa sakin ang isang tasa ng kape. Umuusok pa iyon kaya napangiti ako.

"Thanks." Nakangiting sagot ko at agad humigop.

"Hayyy. Parang mamimiss ko dito ah?" Saad ni Reese na nag-unat pa ng katawan.

Gusto ko namang sumang-ayon dahil tila nasanay na rin ako dito kahit isang linggo lang kaming nanatili. May kung anong kirot sa dibdib ko dahil babalik na naman ako sa reyalidad. Kailangan ko na namang magsikap para mabuhay ang sarili ko.

"Anong oras daw alis natin?" Lumabas si Luna sa kitchen na may dala ring tasa ng kape.

"6:30 daw flight." Ako ang sumagot. Napatingin pa ako sa orasan at nakitang 4:40 am pa lang. Ang aga pa.

"Ang aga naman pala nating gumising eh." Nagmaktol agad si Luna. Halatang halata sa muka nitong inaantok pa.

"Pero grabe, ang saya kagabi ah!" Ngiting ngiting sabi ni Reese. Bakas parin dito ang saya dulot ng kagabi.

Sumang-ayon naman ako. "Hindi ko inasahan na magiging ganon kasaya 'yung concert." Tumango tango pa ako.

Tumawa ng malakas si Luna. "Psh, baka bigbang 'yon?! HAHAHAHAH!" Napangiwi pa ako dahil ang lakas ng tawa nya.

"Buti nga'y hindi ka naubusan ng boses?" Nakangiwing sabi ko.

"Pano mawawalan 'yan, eh sanay 'yan sa mga ganong sigawan." Sarkastikang saad ni Reese.

"Anong sanay? Kagabi lang ako nakasigaw ng ganoon. Aba? Papalampasin ko pa ba?" Bakas ang tuwa sa muka nya.

"May pasok na naman pala bukaaaass!" Mahabang sabi pa ni Reese. Bagsak na bagsak ang balikat nya.

Napabuntong hininga rin ako dahil talagang nakakatamad naman. Isang linggo lang ang sembreak namin ngunit dahil sa saya, ay parang naging isang buwan o mahigit pa nga. Nakakalungkot naman na magtututok na naman kami sa pag-aaral lalo na't malapit na ang graduation.

Maya maya ay nagring ang cellphone ni Reese. Agad nya iyong sinagot.

"Hello, Lara?"

"Ayos na ba kayo? Pupunta na kami dyan."

"Hindi pa kami nakakapag-ayos. Ang aga pa kaya!"

Tumawa pa ng marahan si Lara. "Yeah, right. Papunta na kami."

"Okay. See you." Matapos nom ay binaba nya ang linya.

"Sana may dala silang pagkain." Si Luna na nakatingala pa.

Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Hindi ako gutom. Gusto kong bumalik sa higaan at muling matulog. Pakiramdam ko ay talagang kulang na kulang ang tulog ko.

Maya maya'y nakarating na silang tatlo. May dala ngang pagkain si Lara na agad namang hinanda ng dalawa. Halatang nga gutom na.

"Good morning." Bati sakin ni Liam habang nakangiti.

Agad ko namang sinuklian ang ngiti nya. "How was your sleep?" Tanong ko.

Nagkibit balikat ito. "Ayos lang. Medyo kulang lang." Iniakbay nito ang kamay sa bandang inuupuan ko.

Point of retreatWhere stories live. Discover now