EPILOGUE

160 23 0
                                    

Arabella's POV

"Here."

Pilit kong iminulat ang inaantok kong mata at humarap sa gilid ko. Nakita kong naglapag si Reese ng bote ng tubig sa tabi ko. Nanatiling nakapatong ang ulo ko sa mga braso ko at nakangiwi na tumingin kay Reese.

Pabagsak pa nitong inilapag ang hawak na libro sa table. "Grabe, nakakapagod."

Umayos naman ako ng upo at nag-unat pa. Wala pa ang prof namin at hindi ko alam kung dadating pa iyon. Pabor naman dahil inaantok talaga ako.

Fourth year college na ako ngayon at kasalukuyang nag-aaral sa ibang bansa. Kasama ko at naging kaklase si Reese dahil huminto ako ng isang taon dahil sa nangyari dati. Hindi ko inakala na magiging ganoon katagal gumaling ang binti ko. Ilang buwan din akong natigil at nanatili lang sa kama ko. Talagang hindi iyon magandang alaala sa tulad kong sanay na may laging ginagawa.

Ilang beses pa akong humikab at sumandal sa upuan ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa dami kong ginawa. Ang daming i-rereview at babasahin dahil malapit na ang graduation namin. Ilang buwan na lang ay dadating na ang pinakahinihintay ko.

Ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko pero hindi ko maiwasang mapangiti. Talagang ibang pagod ang nararamdan ko ngayon. Hindi ito tulad ng pagod ko dati na wala akong magawa dahil doon nakasalalay ang araw araw ko. Araw araw akong napipilitang bumangon at gawin ang mga kailangan kong gawin para maka-survive para sa susunod na araw.

Ngayon, ito 'yung pagod na hindi ko nanaising bitawan. Hindi ko susukuan dahil gusto ko ang ginagawa ko. Masaya ako dahil ito ang pinapangarap ko. Noon pa man kasi ay gustong gusto ko nang maging arkitekto. Hindi gaya noon, ngayon ay puro pag-aaral lang ang kailangan kong gawin. Mas nakakapag-focus ako sa mga bagay na gusto ko nang hindi iniisip kung paano mabubuhay bukas. Masaya akong nakilala ko ang mga tao ngayon sa paligid ko.

*RIINNNGGG!!*

Mabilis na nagsipagtayuan ang mga kaklase namin at nagpaunahan pang lumabas matapos tumunog ng bell. May ilan na nagtutulakan pa habang malakas na nagtatawanan. Talagang maihahalintulad parin ito nung nasa pinas pa ako nag-aaral.

"Tara, nagugutom na 'ko." Anyaya ni Reese habang hinihimas pa ang tiyan nya.

"Lagi ka namang gutom." Ngumiwi ako at naunan lumabas.

Paglabas ng campus ay agad na yumakap sakin sa ang malamig na hangin. Walang silbi ang suot kong sweater dahil tagos na tagos parin ang lamig.

"Mukang magkakaroon na ng snow mamaya." Tumango tango pa si Reese  habang nakatingin sa kalangitan.

Ako naman ay parang wala sa sarili ring napatingin. Maganda ang langit ngayon pero hindi na ako magtataka kung babagsak mamaya ang snow. December na rin kasi ngayon at talagang napakalamig.

"Here."

Natigilan ako nang may nangibabaw a boses sa gilid ko. Hinarap ko iyon at bumungad sakin si Ren. Kaklase namin sya at kapwa rin naming nagsasalita ng tagalog. Ang alam ko'y may lahi syang japanese. Alam ko rin kung gaano kataas ang estado nito sa buhay.

Agad akong napangiti at inabot ang hawak nitong coat. Nakita ko pa ang pagbalatay ng hiya sa muka nya nang magtama ang mga mata namin. Sobrang gwapo nito at talagang napakaamo ng muka. Litaw din ang tangkad nya at saktong pangangatawan. Ang totoo'y maraming humahanga sa kanya sa campus na hindi naman na nakakapagtaka.

Point of retreatWhere stories live. Discover now