CHAPTER 2

481 33 0
                                    

Arabella's POV

Gumising parin ako kinabukasan kahit sabado. Nagsuot lang ako ng simpleng white loose shirt at ini-tuck in sa fitted jeans. Saglit ko pang pinagpag ang white shoes ko at humarap sa salamin.

Napabuntong hininga na lang ako at umalis na sa apartment. Nilakad ko lang ang flower shop na lagi kong binibilihan tutal hindi naman yon ganon kalayo.

"Goodmorning, Mrs. Valencia." Nakangiting bati ko. Ngumiti naman ito ng pabalik sakin.

Inabot nito sa akin ang basket ng bulaklak. Alam na ngang talaga nito lagi ang bibilhin ko dahil halos suki na ako dito. Saglit lang akong nagpasalamat at nagpaalam.

Nakangiti akong naglakad habang naka earphone. Lalo pa akong napangiti nang makarating sa pupuntahan ko. Marahan akong umupo at inilapag ang bulaklak sa tabi ko.

Nagbitaw ako ng isang malalim na buntong hininga at iginala ang paningin sa paligid. Bukod sa akin ay maraming tao ang narito.

Nagbaba ako ng paningin sa puntod ni papa. Saglit ko pang nilinis ng kamay ko ang ilang dumi doon. Pinagmasdan ko ang pangalang nakasulat at muli, unti unting binalot ng matinding lungkot ang dibdib ko.

"Ang sabi ko hindi na ko iiyak ulit pag balik ko dito." Animong natatawang ani ko pa at pasimpleng pinunasan ang nagbabadyang luha sa mata ko.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at tumingin sa kalangitan. Naihrang ko pa ang palad nang masilaw doon.

"Miss na kita, Pa. Nagiisa na nga lang ako tapos nangiwan ka pa." Sinundan iyon ng mapait na tawa. Pakiramdam ko'y lalong nadagdagan ang bigat sa loob ko.

Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala na sila papa. Kahit pitong taon na ang nakalipas. Di ko parin matanggap na magisa na lang talaga ako sa mundong 'to.

"Sa ngayon..wala pa kong magandang maikukwento sayo, pa. Pero pag balik ko paniguradong meron na." Sabi ko habang nasa langit ang paningin.

"Pa..ano bang pwede kong gawin para bumalik ka? Ilang taon na ang nakalipas pero hindi parin ako sanay. Hinding hinid ako masasanay." Mabilis nag-init ang mata ko kasunod ang sunod sunod na patak ng luha ko.

Napayuko ako at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak. Ilang taon na ang nakalipas pero ganto parin ako, basta si papa ang pag-uusapan. Hindi man lang nabawasan ang pangungulila ko sa kanya kundi lalong nadadagdagan.

Pinunasan ko ang sariling luha at pinagpag ang sarili pagtayo. Ngumiti akong muli habang pinagmamasdan ang puntod ni papa. Sa isip ay nagbitaw ako ng ilang pangako, tulad ng, pagbalik ko dito ay hindi na ko malungkot. Na pagbalik ko ay may kasama na ko at hindi na mag-isa.

Nasa likod ang mga kamay ko habang naglalakad na parang walang patutunguhan. Basta na lang ako naglakad hanggang makarating ako sa isang playground. Umupo ako sa swing at bahagyang nagpasalamat dahil ako lang ang tao. Parang hindi ko kayang makisama sa lugar na maingay sa ngayon. Pagod na pagod ang isip ko, ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung anong pahinga ba ang kaylangan para mawala 'to. Alam ko sa sariling ilang taon ko na itong dala dala at sa paglipas ng mga taon ay hindi nawawala kundi nadadagdagan.

Point of retreatTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang