CHAPTER 1

523 36 0
                                    

Arabella's POV

Napailing ako nang makitang madumi ang sarili. Napapabuntong hininga ko iyong pinagpag at inis na tiningnan ang sarili sa salamin ng isang sasakyan. Hindi ko alam kung kanino iyon pero sigurado naman akong walang tao sa loob.

Itinali ko ang mahabang buhok at ilang sandali pang tinitigan ang sarili. Marahan ko pang tinampal tampal ang sariling pisngi na animo'y ginigising ang sarili.

Wala sa sarili kong sinilip ang nakasaradong bintana ng sasakyan. Nilapit ko pa nang nilapit ang sariling muka na halos dumikit na nga ang buong muka rito. Iniharang ko ang kamay sa bandang ulo dahil hindi ko makita ng maayos ang loob.

At halos manlaki ang mata ko nang makita ang bulto ng isang lalaki sa loob. Mabilis akong napaatras at malalaki parin ang mata habang nakaturo sa sasakyan.

Unti unting bumukas ang bintana at halos mapaatras ako nang bumungad ang isang lalaking nakahalukipkip hanang diretsyong nakatingin sa kanya. Blangko ang muka nito at bahagyang nakangiwi.

Umayos ka arabella. Bulong ko sa sarili.

Tumikhim ako at iniayos ang sarili. "A-Ah—Hahahaha pasensya na. A-akala ko kasi walang tao. Pasensya sa abala." Mabilis akong umalis at tumalikod pagkatapos non.

Mabilis akong pumasok sa tinutuluyang apartment at isinara ang pinto. Wala sa sarili napasandal at dahan dahang napaupo habang iniisip ang katangahang ginawa kanina. Pakiramdam ko'y lalo lang akong napahiya dito.

Napailing na lang ako at nagpalit ng damit pampasok. Isa akong part-timer sa isang restaurant. Halos magdadalawang takn narin ako roon. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Pagod ako sa sobrang daming ginawa sa school. Pero kaylangan ko parin pumasok ng trabaho.

Pagdating ay agad akong nagsimulang magtrabaho. Masyadong marami ang customer nung gabing iyon kaya ramdam ko ang pagod sa buong katawan. Alas dose na ako na nakauwi at sumakay ng tricycle tutal hindi naman iyon kalayo sa apartment na tinutuluyan ko.

Pabagsak akong nahiga at hindi na nag-abalang kumain pa. Mabilis akong binalot ng antok at tuluyan ngang nakatulog.

TULAD ng nakagawian, ala singko ng umaga ay gising na ako para maghandang pumasok sa paaralan. Graduating ako sa taong ito kaya kaylangan kong pagbutihan ang pag-aaral. Sa susunod na taon ay tutungtong na ako sa kolehiyo ngunit hindi alam kung paanong pagkayod ang gagawin para makuha ang kursong gusto ko.

Napabuntong hininga ako at sumakay ng bus. Saglit ko pang tinignan ang cellphone nang tumunog iyon. Walang gana ko iyong sinagot.

"Hmm?" Malamya kong sagot at isinandal ang ulo sa nakasarang bintana ng bus.

"Where are you? Kanina pa kita hinihintay." Nagmamaktol ang tinig nito. Umikot ang mata ko.

"Wala naman akong sinabing hintayin mo 'ko, Luna."

"Kahit pa! Bilisan mo baka malate ka!" Mabilis nitong pinutol ang linya. Napangiwi pa ako nang sulyapan ang oras at maaga pa.

Ang aga naman atang pumasok non?

Ako kasi ang laging nauuna sa aming dalawang pumasok. Madalas ay laging late ang babaeng yon kahit nung high school pa lang kami.

Walang gana akong bumaba ng bus at naglakas papasok sa school. Marami rami na nga rin ang tao pero kampante akong hindi pa ako late.

Napapikit pa ako  sa inis habang tinitignan ang hagdan na aakyatin ko. Kung pwede nga lang talunin ay ginawa na ko. Masyadong pagod ang utak at katawan ko nitong mga nakaraang araw pa.

Point of retreatWhere stories live. Discover now