CHAPTER 28

216 30 0
                                    

Arabella's POV

"Ano bang status nyo ni Liam?" Tanong ni Luna na galing kitchen. May dala itong tasa ng kape.

Hindi naman ako nakasagot at isinubsob lang ang muka ko sa tuhod ko. Kagigising lang namin pare pareho, sa tingin ko nga'y ala sais pa lang ng umaga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang topic namin gayong hindi pa nga kami nakakapag-almusal.

"H-Hindi ko alam.." Mahinang sagot ko at napanguso pa.

Napabuntong hininga ako at napaisip. Talaga naman kasing hindi ko alam kung anong meron ba samin ni Liam. Basta ang alam ko lang ay masaya ako kapag sya ang kasama. Hindi ko kasi masyadong iniisip ang estado naming dalawa.

"Anong hindi alam?" Tinig iyon ni Reese. Pagtingin ko pa'y nakapameywang ito sa harapan ko.

"Hindi ko nga alam." Wala pa man ay may bahid na ng inis ang tinig ko.

"Nako mahirap 'yan, Arabella. Kapag pala nambabae ang isang 'yon, wala kang habol." Nakangiwing ani Luna. Nakita ko pang tumango tango si Reese habang nakapikit.

"Mambababae ba naman 'yon? Eh halatang patay na patay sa kaibigan natin?" Saad ni Reese.

"Kahit pa. Habulin kaya ang isang 'yon."

"Oh bakit? Mas may gaganda pa ba dito?" Tinuro pa ako ni Reese. Inis ko syang nilingon at tinabig pa ang kamay nya.

"Kahit ano pang ganda mo, kapag malandi ang kalaban, talo ka parin."

"May point ka naman."

Natahimik silang dalawa, tila nagiisip pa ang nga ito.

"Teka, nag-aminan na ba kayo?" Biglang tanong nito habang nakakunot pa ang noo.

Napangiwi pa ako nang maisip kung ilang beses na kaming nag-aminan ni Liam. Pakiramdam ko nga ay parang normal na lang saming dalawa na sabihin gusto namin ang isa't isa.

"Bakit---"

"Bilis na!"

Sumama ang tingin ko dahil ang lakas lakas talaga ng boses nya. "Oo!" Halos pasigaw ko pa iyong sinagot.

Nanlaki pa ang mga mata ng dalawa. Talagang nangunot ang noo ko dahil ang oa nila.

"Yon naman pala eh! Edi secured na!" Halos isigaw na ni Reese.

Inis ko silang tinignan. "Anong secured?"

"Nagkaaminan na pala eh. Edi iyong iyo na pala ang panganay na lalaki ng pamilyang Yoo."

"Manahimik ka nga. Ang ingay mo." Pananaway ko pero nginusuan lang ako nito.

"Oh ano? Nasan ang singsing?" Singit ni Reese na nakalahad pa ang kamay sakin.

"Bakit naman kita bibigyan ng singsing?" Taas kilay na tanong ko.

"Psh, wala akong alam kung paano ba makipagdate sa korea ah, tutal koreano 'yang nabingwit mo." Nakahawak pa sa babang saad ni Reese. "Pero kasi base sa mga kdrama na napanood ko, pagkatapos magkaaminan, kinabukasan, sila na!"

"Kapag nabigyan ka na nyang singsing, parang simbolo na non na kayo na." Ani Luna.

Napangiwi naman ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakaasta pa ang mga ito na animo'y expert na expert sa mga ganitong bagay eh pareho namang na-friendzoned.

Point of retreatWhere stories live. Discover now