CHAPTER 32

188 30 0
                                    

Arabella's POV

Mabilis lang lumipas ang mga araw at dumating na nga ang araw ng exam namin. Kakarating ko lang sa room at nakakapanibagong ang tahimik ng lahat. Kanya kanyang review at basa ang mga ito, maging si Luna na naa tabi ko ay tutok na tutok sa hawak na libro. Bubulong bulong pa ito kaya bigla ay gusto kong isipin na kinakausap nya ang libro.

Bigla ay pumasok sa isip ko ang magkapatid. May exam ngayon tapos ay wala sila. Mahalaga ang exam na ito samin lalo na't graduating na kami. Paulit ulit nga ang paalala ng mga guro namin na magaral kami nang mabuti at piliting ipasa ang exam.

Sa kabilang banda ay naisip ko ring hindi naman ako dapat mag-aala sa magkapatid. Ang balita ko'y pareho silang magaling sa klase, walang nagpapahuli. Lalo ko tuloy napagtanto kung gaano sila kaperpekto. Ang alam ko'y maging si Lara ay nagtapos bilang summa cum laude sa isang prestisyosong paaralan. Narinig ko lang iyon sa mga kaklase namin na laging bukambibig ang magkakapatid.

"Hoy, ayos ka lang?" Kinalabit ko si Luna na bahagyang nagulat pa. Nakatitig na lang ito a libro at bumubulong bulong.

Inis ako nitong nilingon. "Nagrereview ako."

Napangiwi ako. "Kinakausap mo lang ata 'yung libro eh. Hindi sasagot 'yan."

Nalukot ang muka nito. "Tigilan mo nga 'ko! Hindi na nga ako makapagconcentrate eh!" Pagmamaktol pa nito.

"Huwag mo kasing sauluhin. Intindihin mo." Nakangiwing sabi ko pa at inagaw ang libro na hawak nya. Sinubukan nya pa sana iyong hatakin mula sakin ngunit mabilis ko iyong nailayo.

Agad kumunot ang noo ko nang makita ang maliit na pocket book na nakapatong sa gitna ng libro. Inis akong napatingin kay Luna na agad humaba ang nguso.

"Akala ko ba nagrereview ka?!" Inis na sabi ko at kinuha pa ang pocket book at tinignan ang kabuuan nito.

"Tapos na 'ko magreview! Isang chapter na lang naman eh!" Nakangusong pagmamaktol nito habang pilit binabawi ang pocket book sakin.

Napabuntong hininga na lang ako at isinoli iyon sa kanya. "Baliw ka rin eh no? Kapag ikaw bumagsak." Ngumiwi pa ako.

Nagpakawa ito ng malalim na buntong hininga at walang ganang isinubsob ang muka sa nakabukas na libro. "Kagabi pa kaya ako nagrereview. Wala nga 'kong maayos na tulog eh." Reklamo nito.

Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya. Ang totoo'y hindi naman talaga mahina a klase si Luna. Kasali pa nga sya sa honor sa room. Sadyang mabilis lang talaga syang ma-distract at hirap syang magfocus sa isang bagay. Pareho rin kaming hindi tutok na tutok sa pag-aaral pero hindi naman tamad.

Nahinto kami sa pag-uusap nang dumating na ang lecturer na magbibigay ng exam. Agad tumahimik ang buong room lalo na't may pagka-istrikto ang guro.

Naging tila sobrang bilis lang ng oras at natapos na namin ang apat na exam bago maglunch. Kitang kita ko pa nga na tila nakahinga na ng maluwag ang mga kaklase ko. Nakangiti na ulit ang mga ito at nakikipagdaldalan na.

"Grabe, nagutom ako don ah!" Nakangiting sabi ni Luna habang kapwa namin tinatahak ang cafeteria.

"Lagi ka namang gutom."

"Psh, bilisan mo na lang. Ang haba ng pila oh?" Inis na sabi nito at binaltak pa ako.

Matapos pumila ay kapwa na kami umupo sa lagi naming pwesto. Pabagak pa ngang naupo si Luna na animo'y sumabak sa gyera dahil sa itsura nito.

Point of retreatWhere stories live. Discover now