CHAPTER 9

417 32 0
                                    

Arabella's POV

Nakayuko akong pumasok sa school. Gusto kong magtaka sa dami ng estudyanteng nakatambay sa labas kahit anong oras na pero alam kong walang klase ngayon dahil nga may darating na bisita.

Awtomatiko naman akong napahinto nang makita ang pares ng sapatos sa harapan ko. Agad akong nagangat ng tingin at nakita si Levi na matiim na nakatingin sakin pero agad ring ngumiti nang magtama ang aming paningin.

"Good morning." Maaliwalas ang mukang sabi nya. Maganda ang pagkakangiti nya kaya gusto ko tuloy batukan ang sarili sa kung ano anong pumasok sa isip ko kahapon.

Mabilis akong ngumiti rito. "Good morning. Good luck satin mamaya." Masiglang sabi ko pa.

Mas lalo itong ngumiti na halos hindi na makita ang dalawang mata nya. Saglit pang hinawakan nito ang ulo ko at naglakad palayo.

Bigla ay gumaan ang pakiramdam ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Gusto kong matuwa dahil talagang bumalik sya sa dati. Siguro'y nawala lang sya sa mood kahapon.

Tahimik man akong pumasok sa room ay mukang nakuha ko parin ang atensyon ng mga kaklase ko. Sandali pa silang natigil sa ginagawa at natutok ang paningin sakin.

"Ngayon yung performance nyo diba?" Nangibabaw ang boses ni Madie. Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Huminahon pa ako nang makitang nakangiti naman ito sakin.

"Hmm." Simpleng sagot ko at marahang naupo. Napasimangot ito at humarap sa mga kaibigan nya.

"Sabi ko kasi sa inyo sumali tayo sa music club eh." Animong nagmamaktol pang sabi nito sa kaibigan.

"Hindi naman kasi tayo marunong kumanta no?" Mataray na sagot ni Joan. Nagtawanan ang ilan sa kaklase ko.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Natutuwa ako dahil walang nagbago sa pakikitungo nila sakin kahit alam kong may gusto sila kay Levi.

Agad namang tumama ang paningin ko kay Luna na nakatingin lang sa bintana. May nakapasak na earphones sa magkabilang tenga nito.

Nag-aalangan man ay marahan kong inialis ang isa para makuha ang atensyon nya. Kunot noo itong nagbaling ng paningin sakin.

"What?" Walang emosyon nitong tanong.

Napabuntong hininga naman ako bago sumagot. "Galit ka parin ba sakin?" Halos ibulong ko na lang iyon.

"Ano sa tingin mo?"

Natigilan ako. "Luna.."

Umayos ito ng upo at humarap pa sakin. Saglit pa ako nitong pinasadahan ng tingin. "Sinabi ko naman na layuan mo sya pero lapit ka parin nang lapit. Anong inaasahan mong mararamdaman ko?" May bahid ng galit na sabi nito.

"Hindi ko sya nilalapitan."

Sarkastiko itong napangisi. "Ah talaga? Anong tingin mo sakin, tanga?"

Sumama ang muka ko. Naguumpisa ng uminit ang ulo ko pero pinipigilan ko. "Isipin mo kung anong gusto mong isipin pero gaya ng sinabi ko, hindi ko sya nilalapitan."

Akmang sasagot pa sya nang lumapit sakin ang ilan sa mga kaklase namin. Ipinakita ng mga ito kung gaano sila naiinggit dahil makakasama ko si Levi. Nanatili namang tikom ang bibig ko. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila.

Point of retreatTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang