CHAPTER 13

374 32 0
                                    

Habang naghihintay ng bus para pumasok sa school ay hindi matanggal ang mumunting ngiti sa mga labi ko. Hindi ko alam ngunit talagang maganda ang gising ko ngayon.

Masigla akong sumakay nang may huminto na sa harapan ko. Pagpasok pa lang ay tila niyakap ako ng lamig kaya pagkaupo ay agad kong kinuha ang jacket sa bag ko.

September na pala..

Gusto kong magulat dahil talagang parang ang bilis lang na lumipas ang panahon. Parang kailan lang ay kakaumpisa pa lang ng klase, ngayon ay ilang buwan na lang at ga-gaduate na ako.

Napahikab pa ako at nakapalumbabang tumingin sa labas ng bintana. Magiliw kong pinagmasdan ang mga dumadaang sasakyan at hindi man lang inalintana kahit naramdaman kong may umupo na sa tabi ko.

Kinuha ko ang earphone ko at akmang isusuot nang magsalita ang katabi ko.

"H-Hi Ara.." Tila nahihiya pang bati nito na agad ko namang nilingon.

Bumungad sa akin si Aian na nakangiti habang nakataas pa ang kaliwang palad. Gusto ko pang ipagtaka ang pagtabi nito sakin kahit halos iilan lang kaming pasahero ng bus. Napakaraming bakante.

Napipilitan na lang akong ngumiti rito at muling ibinaling ang paningin sa bintana.

"A-Aa, anong tingin mo sa b-bagong hairstyle ko?" Muling nangibabaw ang tinig nito.

Muli ko itong binalingan at doon ko lang napansin na nag-iba nga ang buhok nito at talagang pamilyar sakin iyon. Ilang segundo pa ako nag-isip bago ito napagtanto.

Kapareho kay Liam?

Parehong pareho talaga sila. Ang buhok kasi ni Liam ay nasa gitna ang hati habang ang bangs nito ay bahagyang magkahiwalay sa harapan. Hindi ko alam kung paano ba iyon tamang ilarawan. Basta ang buhok nito ay kagaya ng mga koreano na artista. Hindj naman na nakakapagtaka dahil koreano talaga sya.

Sa kaso naman ni Aian ay talagang nakakapagtakang nagpagupit rin sya ng ganon. At halos mapataas ang kilay ko nang mapansing may silver na hikaw na rin ang kaliwang tenga nito. Kagayang kagaya ng kay Liam.

"A-Ayos naman." Iyon na lang ang naisagot ko.

Palihim akong napabuntong hininga. Hindi ko alam kung dapat ko ba syang pag-isipan ng kung ano. Hindi ko rin kasi alam kung uso na ba ngayon ang ganoong style.

Hindi kami nagkibuan hanggang sa makarating kami sa school. Inayos ko lang ang sarili ko at akmang aalis na sa upuan nang makitang nakaupo parin ito.

"L-Ladies first."

Halos masapo ko ang noo sa sinabi nya. Ang inaasahan nya ba'y dadaan ako sa mismong harapan nya ng ganoon? Hindi ko tuloy alam kung alam nya ba talaga ang ibig sabihin ng salitang 'gentleman'.

"Mauna ka na." Walang emosyon ang tinig ko.

Napakamot naman ito sa kanyang sintido at naunang maglakad palabas ng bus habang nakasunod ko.

Makailang beses akong bumuntong hininga. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil ayokong masira ang araw ko nang ganon ganon lang.

Malaki ang hakbang na naglakad ako papuntang room na halos maunahan ko na nga ito.

Ngunit awtomatiko akong napahinto nang makita si Liam na nakatayo sa hagdan. Kailangan kong huminto dahil talagang nakaharang sya sa dadaanan ko.

Napatingin ako rito ngunit nanatili itong walang emosyon habang nakatitig sa mga mata ko. Muli ay gusto kong mailang.

Lulusot na sana ako sa kaliwang parte ng hagdan ngunit hinarang nya ako at nang lumiko naman ako sa kanan ay ganon muli ang ginawa nya. Muka tuloy kaming nagpapatentero.

Point of retreatWhere stories live. Discover now