CHAPTER 34

175 29 0
                                    

Arabella's POV

Dumating ang lunes ay tila wala akong ganang kumilos. Walang buhay akong bumangon sa kama at nag-ayos ng sarili. Para pa nga akong nakalutang nang sumakay sa bus. Pinaalalahanan kaming pumasok ng maaga kaya halos mapayakap pa ako sa sarili dahil sa lamig. Tagos iyon sa suot kong sweater.

Isang araw lang ang foundation day ngunit hanggang alas diyes naman iyon ng gabi. Pwede rin pumasok ang mga taga ibang school ngayon dito sa school namin kaya di pa man ako nakakababa ng bus ay kita ko na ang dagsaan ng mga tao.

Pagpasok ko ng gate ay bumungad sakin ang iba't ibang booth at stall ng pagkain. Maingay ang paligid at masaya ngunit hindi ko man lang iyon magawang masabayan. Walang gana ko lang iyon nilagpasan at naglakad papuntang room namin.

"Ara!"

Awtomatiko akong napalingon nang marinig ang malakas na boses na iyon. Nakita ko sina Reese at Luna na papunta sa direksyon ko. Malaki pa ang pagkakangiti nilang pareho.

"Wala talaga kayong pasok?" Bungad ko kay Reese. Nakaporma kasi ito.

"Meron pero wala naman kaming gagawin. Maski nga ibang schoolmates ko nandito eh." Inakbayan ako nito.

"Ang daming tao, grabe." Ani pa ni Luna habang nakatingin sa mga taong nasa paligid.

Dumiretsyo kami sa room namin kasama si Reese. Hindi pa nga naiwasan ang pagdapo ng mga tingin samin. Hindi na ako magtataka kapag nalaman kong marami rin palang nakakakila dito kay Reese. Sa reputasyon ng pamilya nya ay hindi na malabo.

Pagdating sa room ay iilan lang ang tao. Paniguradong naglalamyerda na ang ilan sa kaklase namin. Bahagya pa ngang natigilan ang mga ito sa ginagawa nang makita ang pagpasok namin sa room. Hindi ko naman binigyan ng pansin ang mga ito at pabagsak lang na naupo sa upuan ko.

Walang emosyon ko pang sinilip ang cellphone ko pagkatapos ay ibinalik lang din iyon agad sa bulsa ko. Bumuntong hininga pa ako at napatingin sa dalawa na abala sa pag-uusap. Wala pa man ay nagpaplano na ang mga ito para sa mga gagawin at pupuntahan namin mamaya.

"Kain kaya muna tayo? Ang dami kong nakitang stall ng pagkain." Excited na sabi ni Luna.

"Pwede rin. Hindi rin naman ako nag-almusal." Tumango tango pa si Reese.

Hindi ko naman binalak tumanggi dahil ang totoo'y kumakalam narin ang sikmura ko. Dahil nga wala sa hulog ang gising ko ay nawalan talaga ako ng ganang kumilos kanina. Maski pagkain ko ay hindi ko na nagawang maasikaso pa. Hindi ko maintindihan ang nararamdan ko ngunit talagang may nangibabaw na lungkot sa sistema ko. Gustohin ko man ay hindi ko maialis.

"Rice tayo." Ani Luna habang inaayos ang mga gamit nya.

"Tara na. Gutom na 'ko."

Hindi ko naramdaman na pareho pala silang nakatingin sakin. Ang isip ko ay kusang lumilipad kaya halos hindi ko napakinggan ang mga pinag-usapan nila. Nagtaka pa ang mga ito nang mapatingin sakin.

"Ayos ka lang?" Nagtatakang tanong ni Luna.

Bumuntong hininga naman ako pagkatapos ay ngumiti. "Ayos lang. Inaantok parin kasi ako." Bahagya pa akong tumawa at tumayo. Nagpauna pa akong maglakad sa kanila.

Bago man makalabas ay tumama ang paningin ko kay Reese na bakas ang pag-aalala sa mga mata. Alam ko naman kung saan nanggagaling ang pag-aalala a iyon. Paniguradong 'yung tungkol sa napag-usapan namin ang nasa isip nya.

Nagkibit balikat naman ako at inilagay ang parehong kamay sa bulsa ng hoodie ko. Ayoko namang mag-aalala pa sila sakin kaya aayusin ko na lang ang sarili ko. Bukod pa doon ay wala akong ganang magkuwento. Maski magsalita ay tinatamad ako. Panigurado kasing kapag nagsabi ako sa mga ito ay hahaba lang ang usapan at kung saan lang mapupunta. Masyadong madiwara si Luna at idagdag na si Reese.

Point of retreatWhere stories live. Discover now