CHAPTER 37

163 25 0
                                    

Luna's POV

Napakamot ako sa ulo habang pilit iniintindi ang libro na hawak ko. Kanina ko pa ito binabasa pero parang wala man lang akong naintindihan. Kung magpapatuloy ito ay paniguradong wala akong maisasagot sa mga exams namin at babagsak.

Hays

Napalingon ako kay Ara na halos nakasubsob na ang muka sa nakabukas na libro. Alam kong tahimik naman talaga sya pero tila mas naging walang imik ito ngayon. Panay pagtango nga lang ang sagot nito sakin kapag kinakausap ko sya. Nag-aalala ako pero ayoko naman syang guluhin. Ayos naman na sigurong nandito lang kami ni Reese sa tabi nya.

Ang totoo'y naninibago rin ako sa kanya ngayong tutok na tutok sya sa pagbabasa. Hindi kasi talaga sya ganito kahit malapit na ang exam. Pakiramdam nya raw kasi ay mas lalo syang walang maiintindihan at mabablanko lang ang utak nya kapag todo ang pagbabasa nya. Mabilis syang magbasa kaya kapag natapos na sya ay hindi na nya binabasa ulit.

Sa sitwasyon ngayon ay kanina nya pa hawak ang iisang libro. Nakakapagtaka naman kung hindi nya pa iyon natatapos. Pakiramdam ko nga ay parang tumatagos lang ang paningin nya sa binabasa.

"Uy, wala daw tayong lec ngayon." Ani ko dito.

Napabuntong hininga naman ito at isinandal ang batok sa upuan nya. Ipinatong nya pa ang nakabukas na libro sa muka nya habang nakatingala.

"Inaantok ako." Mahinang sabi nya at tila wala pang gana.

Ako naman ang napabuntong hininga. "Matulog ka muna. Dalawang subject tayong walang lec tapos uwian na pagkatapos." Saad ko.

Naiintindihan ko na kung bakit nga ba ito laging inaantok. Nalaman kasi namin ni Reese ang oras ng trabaho nya. Ala sais iyon ng gabi hanggang ala una ng madaling araw. Ang alam ko pa'y madalas hindi iyon nasusunod kaya alas dos madalas ang uwi nya. Tapos maaga pa ang pasok namin sa school kaya paniguradong alas kwatro ang gising nya.

Nag-aalala ako dahil araw araw ay ganon ang ikot ng schedule nya. Nag-aalala ako at baka bigla na lang bumigay ang katawan nya.

Halos ilang linggo narin mula nung masabi nya saming nasa korea na ulit si Liam. Mula noon ay wala na kami g narinig pa mula dito. Si Lara naman ay lagi kong kausap ngunit ayaw nitong magsabi tungkol sa kapatid nya. Nasa pilipinas sya ngayon kaya sa tingin ko'y wala rin syang masyadong alam sa kapatid.

Tila nabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong dinukot mula sa bag ko at tinignan.

"Hoy, bawal magcellphone!"

Kumunot ang noo ko nang biglang malakas na sabi ng vice president naming pabibo. Umarko ang kilay ko at inis na inilibot ang paningin sa classroom bago tumingin sa kanya.

"Wala namang teacher ah?" Inis na saad ko dito.

Nagmataray pa ito. "Oh, kahit pa! Bawal magcellphone! Akin na 'yan." Inilahad pa nito ang kamay sakin habang nakangisi kaya mas lalo akong nainis.

"Oh, eh bakit 'yung mga friendship mo pwede?!" Halos manlaki na ang mata ko habang tinuro pa ang mga kaibigan nyang nagbubungisngisan sa likod.

Hindi ito nakasagot at inis lang na tumitig sakin. Tila naghahanap pa ito ng ipambabatong salita.

Napangiwi ako. "Umalis ka na nga. Baka kapag mas natuwa pa 'ko sa'yo, yakapin pa kita ng mahigpit sa leeg." Isinenyas ko pa ang kamay ko.

"Ang ingay." Bahagya pa akong nagulat nang nangingibabaw ang inis talagang boses ni Ara.

Bahagya pa nitong iniangat ang ulo at walang emosyong tumingin sakin pagkatapos ay kunot noong tumingin kay Bea na nasa harapan parin namin ngayon. Nakita ko pang bahagyang napaatras si Bea sa tingin sa kanya ni Ara. Malamang ay nagulat ito dahil ngayon lang naglabas ng ganoong emosyon si Ara dahil madalas itong tahimik at parang walang pakielam sa paligid.

Point of retreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon