CHAPTER 3

469 33 0
                                    

Arabella's POV

Lumipas ang linggo at heto na naman ako para maghandang pumasok sa school. Pag katapos maiayos ang sarili ay dali dali akong sumakay ng bus.

Gaya ng nakagawian ay isinandal ko ang ulo sa bintana ng bus habang may nakapasak na earphones sa magkabilang tenga ko. Napabuntong hininga pa ako nang maalalang sa kitchen pala ako nakatoka ngayon. Ang pinakanakakapagod na lugar sa restaurant.

Walang gana akong bumaba at naglakad papasok. Habang umaakyat sa hagdan ay kusang lumilipad ang isip ko. Naglalakbay sa kung saan.

Astang liliko na ako para pumuntang room nang awtomatiko akong napahinto. Nasa harapan ko si Liam habang nakatitig sa muka ko. Muling tumabinge ang ulo nito na para bang pinag-aaralan ako o tinatandaan kung saan ako huling nakita.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, mabilis na kumalabog ang dibdib ko habang nakatitig sa mga mata nito. Parang naghabulan ang dibdib ko nang unti unti itong lumapit sa akin. Patuloy ako sa paghakbang paatras hanggang sa naramdamang hagdan na ang likod ko.

Agad nanlaki ang mata ko nang maramdamang wala na kong aapakan at alam kong tutumba ako at gugulong ako pababa pero laking gulat ko nang mabilis nitong hatakin ang kamay ko. At gaya nga ng inaasahan ay napayakap ako sa kanya habang ang isang kamay nito ay nasa likod ko at ang isa ay nanatiling nakahawak sa kamay ko. Lalong bumilis ang tibok ng dibdib ko.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa dibdib nito na tila hindi parin makapaniwala sa nangyare.

Tumikhim ito, inaagaw ang atensyon ko. Awtomatiko ko naman itong naitulak.

Inayos nito ang sariling uniporme pero hindi ko na ito hinintay na muling tumingin sakin. Dali dali akong tumakbo papasok ng classroom.

Pabagsak kong inilapag ang bag ko at napaupo. Wala sa sarili kong nahawakan ang dibdib ko nang wala paring humpay ang malakas na tibok non.

"Napaisip ako kung pano ko ba kukunin ang atensyon nya." Biglang nangibabaw ang tinig ni Luna. Mabilis ako napalingon dito.

Nakapalumbaba ito habang nakatulala at nakangiti na animong nangangarap na nasa harap nya ang tinutukoy. Biglang lumamlam ang paningin ko. Gusto kong batukan ang sarili sa nararamdaman. Alam kong gustong gusto ni Luna si Liam kaya dapat kong ayusin ang sarili ko.

"Ano sa tingin mo?" Nakangiting baling nito sakin. "Ano kasi. Kanina ilang beses akong dumaan sa harapan nya. Kulang na nga lang ay tawagin ko ang pangalan nya para tumingin man lang sya sakin." Biglang bumagsak ang balikat nito. Parang may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

Dumating ang teacher namin at nag-umpisang magturo. Nanatili naman ang paningin ko kay Luna. Masayahin syang talaga. Ugaling ugali nyang ngumiti sa maliliit na bagay na syang ugali ko rin naman.

Ang pinagkaiba lang ay walang totoo sa mga ngiti ko. Hindi na naulit iyong totoo at walang bakas ng lungkot.

Gaya ng nakgawian ay sabay kaming muli ni Luna pumuntang cafeteria para maglunch. Napangiwi pa ako sa dami ng tao at ang ilan pa'y natutulak kami.

Nauna akong umupo dahil kung ano ano pang biniling pagkain ni Luna. Nilibot ko na lang ang paningin sa buong cafeteria habang naghihintay.

Hanggang sa tumama ang paningin ko sa table ni Liam. Tila nagkarera ang dibdib ko nang makitang nakatitig ito sakin. Wala sa sarili naman akong nakipaglaban ng paningin dito pero ito rin ang naunang nagbawi matapos kuhanin ni Levi ang atensyon nya.

Point of retreatWhere stories live. Discover now