CHAPTER 36

168 25 0
                                    

Arabella's POV

Nakapalumbaba lang ako sa desk ko habang nakatuon ang paningin sa labas ng bintana. Nangingibabaw ang ingay ng mga kaklase ko ngunit hindi natigilan non ang paglipad ng isip ko. Pinagmasdan ko lang ang mga nagtataasang puno na marahang isinasayaw ng hangin. Nakakakalma ang tanawin ngunit hindi non naalis ang bigat sa isip ko.

Ang inasahan ko'y babawi sya.

Napabuntong hininga ako at walang ganang yumuko sa table ko. Ipinikit ko pa ang mga mata ko na kanina pa gustong bumigay sa antok. Halos alas dos na ng madaling araw ako nakauwi kanina. Hindi kami magkandamayaw sa dami ng tao kaya antok at pagod ang kalaban ko ngayon.

"Ayos ka lang?"

Narinig ko ang boses ni Luna. Bahagya pa ako nitong kinakalabit. Hindi ko naman nagawang iangat ang paningin ko sa kanya. Tila mas bumigat ang ulo ko matapos ihiga sa mga braso ko.

"Hmm." Walang buhay na sagot ko.

"Kanina ka pa bumubuntong hininga dyan. Hindi naman kita pipiliting magsabi pero ipahinga mo rin naman 'yang sarili mo." Gusto ko pang manibago dahil ngayon ko lang sya narinig magsalita ng ganoon kaseryoso.

"Pagod lang ako galing trabaho."

"Kaya nga. Nag-aalala lang ako sa'yo."

Inangat ko ang ulo ko at nginiwian sya. "Mukang iba yata ang gising mo ah?"

Agad sumama ang muka nito. "Psh, 'wag mo ngang sirain ang mood ko. Totoong nag-aalala lang kami sa'yo." Ipinag-cross pa nito ang mga braso sa dibdib.

"Oo na. Nagbibiro lang naman ako." Agad na pagsuko ko at muling ibinalik ang ulo ko sa mga braso ko. Muli ko pang ipinikit ang mga mata ko at hindi na napigilan ang antok na lumulukob sakin.

"Uy, nandyan na si Ma'am." Malakas na sabi sakin ni Luna.

Hindi ko naiwasang ipakita ang pagka-inis ko na tinawanan lang ni Luna. Kunot na kunot ang noo na umayos ako ng upo at pinilit na ibaling ang atensyon sa harap. Tila mas sumakit pa nga ang ulo ko sa sandaling tulog na iyon.

Naiinis man ay inisip ko na lang na pagkatapos nito ay lunch na. Lihim ko pang hiniling na sana ay makabangga ko man lang si Liam mamaya. Ganito man ang nararamdan ko'y mas nangingibabaw parin ang pride sakin. Ayokong ako ang mauunang lumapit sa kanya dahil sya nga ang hindi nagparamdam sakin ng tatlong araw. Isama ang ngayon.

"Sana'y natandaan nyo ang lahat ng itinuro ko ngayon dahil kailangan nyo 'yan para sa exam nyo. Dismissed." Huling ani ng guro bago lumabas ng room.

Wala man lang akong natandaan sa itinuro.

Gusto kong mapangiwi sa naisip. Halos wala ngang tumatak sa isip ko na kahit isang salita mula sa guro. Kailangan pa naman pala 'yon para sa exam.

"Tara, gutom na 'ko." Pag-aaya ni Luna.

Tumay naman ako matapos iayos ang gamit ko. Ilang beses pa akong humikab bago nagpaunang lumabas ng room.

Habang naglalakad pababa ay abala ang mata ko sa paggalugad sa paligid. Isang tao lang naman ang kusang hinahanap ng paningin ko. Guto kong bumalik na kaming muli sa dati. Magpaliwanag at bumawi lang sya ay ayos na ayos na ako.

Pagkapasok sa cafeteria ay agad na tumama ang paningin ko sa lagi nilang pwestong magkapatid. Agad lang kumunot ang noo ko sa pagtataka nang tanging si Levi lang ang nakaupo doon at tahimik na kumakain. Umikot pa ang panigin ko sa buong cafeteria upang tignan kung nasaan sya ngunit hindi sya nahagilap ng mata ko.

Point of retreatWhere stories live. Discover now