CHAPTER 19

322 31 0
                                    

Arabella's POV

*RIINNNGGG!!*

Agad nagising ang diwa ko nang mangibabaw ang malakas na tunog ng alarm clock. Marahan akong dumilat at wala sa sariling tumitig sa kisame. Nanatili akong nasa ganoong sitwasyon sa loob ng ilang minuto.

Napabuntong hininga na lang ako at walang ganang tumayo sa kama ko pagkatapos ay dumiretsyo sa loob ng banyo.

Alam kong medyo madilim pa ngunit mas pinili ko na ganitong oras pumunta sa puntod ni papa. Kahit weekend ngayon ay marami parin kasi akong gagawin. Sa ganitong paraan ko na lang siguro ipagdiriwang ang kaarawan ko ngayong taon.

Habang sinusuklay pa ang basa kong buhok ay napatingin ako sa wall clock. Ala sais na naman pala. Mas maiging umalis ng ganitong kaaga para wala masyadong tao.

Nagsuot lang ako ng may kalakihang sweater at fitted jeans. Napailing pa ako nang makitang may konting dumi ang susuotin kong white shoes.

Pagkalabas ko pa lang ng pinto ay agad akong niyakap ng lamig. Ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng sweater na suot at saglit na dinama ang marahang hampas ng malamig na hangin.

Gusto ko talaga ang ganitong oras. Bukod sa nakakalma ang isip ko ay tahimik at payapa ang paligid. Walang maiingay na sasakyan at tanging lamig lang ng madaling araw.

Nagbuga pa ako ng isang malalim na buntong hininga at ipinasak ang earphone sa magkabilang tenga ko. Napamgiti pa ako nang nanuot ang kanta sa sistema ko pagkatapos ay nagsimulang maglakad habang nakapasok ang parehong kamay sa bulsa ng sweater ko.

"I'm gonna pack my things and leave you behind

This feeling's old and I know

That I've made up my mind

I hope you feel what I felt

When you shattered my soul

'Cause you were cool and I'm a fool
So please let me go.."

Marahan ko pang sinabayan ang kanta.

"But I love you so.." Mahinang kanta ko pa habang tinatahak ang flower shop na lagi kong binibilihan.

Napatigil naman ako nang makitang sarado pa. Tinapunan ko pa ng tingin ang wrist watch ko at nakitang maaga pa talaga para magbukas sila. Naiintindihan ko naman dahil may katandaan na si Mrs. Valencia. Ayokomg mang-istorbo.

Napabuntong hininga na lang ako at akmang aalis sana nang may maapakan akong maliit na piraso ng papel. Pinulot ko iyon at binasa ang nakasulat.

"Iiwan ko na lang itong bulaklak sa may pinto at baka hindi pa ako gising bukas sa oras ng pagpunta mo.

Happy birthday, hija."

Mabilis na gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko dahil sa nabasa. Totoong lagi akong pumupunta dito para bumili ng bulaklak at isang beses ko lang ata nabanggit ang birthday ko ngunit talagang naalala nya pa.

Dinampot ko ang bulaklak sa maliit na basket at saglit pa itong tinitigan. Hindi ako mahilig sa bulaklak o halaman, ang papa ko lang talaga. Ang hilig ko kasi talaga ay mag-alaga ng mga hayop. Kung hindi lang ako masyadong abala at kung marami lang akong oras ay baka nag-alaga na ako.

Ilang lakad lang muli ay nakarating na ako sa pupuntahan. Kahit maaga pa ay may pangilan ngilang tao na agad na kanya kanyang nakaupo sa harap ng puntod at may sariling mundo.

Point of retreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon