Luna's POV
Habang papuntang sasakyan ay mas lalo lang umiikot ang paningin ko, kahit pa pasan pasan ako ni Lara. Sumasakit na rin ang ulo ko at talagang gusto ko na itong ihiga.
Palihim pa akong nagpasalamat nang makarating na kami sa sasakyan. Matapos buksan ni Reese ang pinto ay marahan akong ibinaba ni Lara. Pabagsak ko namang isinandal ang likod ko sa upuan. Habang nakapikit ang parehong mata ay pakiramdam ko medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Naramdaman kong lumabas ng kotse si Lara at saglit pang nakipa-usap sa labas. Rinig na rinig ko pa ang malakas na boses ni Reese.
"Hey, kita na lang tayo mamaya. Take care." Nangibabaw ang boses ni Ara.
Nanatili akong nakapikit. "Hmm." Pilit na sagot ko pa. Ramdam ko pa ang mahinang pagtapik nito sa balikat ko.
Naramdaman ko na ang antok. Tuluyan na sana akong magpapalamon nang naramdaman kong sumakay na si Lara. Pinilit kong dahan dahang idilat ang mata para tignan si Lara ngunit nagulat ako nang magtama ang mata namin. Kahit nanlalabo at umiikot ang paningin ko ay malinaw na malinaw sa paningin ko ang pag-aalala sa mga mata nito.
"Do you need anything?" Bumuntong hininga pa ito.
You. "Ayos lang ako." Halos pabulong kong sabi ngunit sapat lang para marinig nya.
"Fine. Just rest." Iyon lang at pinaandar na nya ang sasakyan.
Muli ko namang ipinikit ang mata ko at kumportableng sumandal sa upuan. Bahagya pa akong natigilan nang mangibabaw ang kanta. Pamilyar sakin iyon na talagang nagpagaan ng pakiramdam ko.
Rinig kong mahilig sa musika itong magkakapatid.
Napailing na lang ako at nakinig aa magandang kanta.
Come up to meet you, tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are
I had to find you, tell you I need you
Tell you I set you apart
Tell me your secrets and ask me your questions
Oh, let's go back to the start
Running in circles, coming up tails
Heads on a science apart
Napangiti ako sa kanta. Talagang nakakakalma. Gusto ko rin tuloy humanga sa music taste nito.
Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh, take me back to the start
Gusto mang sabayan ang kanta kahit nadadala na ako ay hindi ko magawa. Talagang wala akong talento sa musika pero mahilig akong makinig ng mga kanta. Ayoko namang ma-turn off agad sakin ai Lara.
"We're here. Let's go, para makapagpahinga ka na." Ani ni Lara.
Gusto ko mang tumayo at maglakad papuntang room namin ay hindi ko magawa. Talagang nanghihina na ang katawan ko at gusto ko na lang na ibagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Sa tingin ko kapag naglakad pa ako ay baka bigla na lang akong bumulagta sa lapag.
"Saglit lang---"
"Psh."
Nagulat man ako sa pagbuhat nito sakin ay talagang hindi ko na nagawag magreact pa. Pa-bridal ang pagbuhat na ginawa nito sakin. Sa layo ng tangkad namin ay hindi na malabong madali lang sa kanyang buhatin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/249388359-288-k784442.jpg)
YOU ARE READING
Point of retreat
Teen FictionHe was my safe place, my escape, and my rest in this tiring world. He was my calm amidst chaos. I let him broke my walls down, but I never expect him to broke me as well.