CHAPTER 23

265 31 0
                                    

Luna's POV

Natigil kami sa pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa non sina Liam at Levi na kapwa walang emosyon ang mga muka.

"Oh? Sakto pala eh. Tara sa pub!" Excited na sabi ko pa habang ngiting ngiti.

Ngunit tila nilipad ang ngiti ko nang hindi man lang ako tignan ni Liam at dumiretsyo lang kay Ara. Napangiwi pa ako nang agad magbago ang awra nito sa harap ng kaibigan namin. Naging tila maamong hayop ito.

"Hoy! Punta nga tayong pub!" Naiinis nang ulit ko.

Marahan pang naupo si Liam si sa tabi ni Ara at sumimangot sakin. "Ano namang gagawin don?"

"Ano bang ginagawa sa pub? Edi malamang magsasaya." Mataray kong sagot at nameywang pa.

"Baka malasing lang si Ara." Masungit na sagot nito at iniakbay pa ang kamay sa bandang inuupuan ni Ara.

Pinag-cross ko ang mga braso ko. "Kung alam mo lang kung gaano kataas ang alcohol tolerance nyan."

Naalala ko tuloy noong uminom kaming dalawa dati sa bahay namin. Ako ang namilit sa kanyang uminom pero sa huli ako pa yung halos hindi na makatayo sa sobrang kalasingan.

"No."

"Napaka-kj mo naman!" Biglang singit ni Reese.

Hindi naman sya sinagot ni Liam.

"Birthday na birthday nyan, tapos gusto mong magkulong lang dito?" nakangiwing ani ni Reesw at lumagok aa hawak na bote ng soju.

"Tsaka 'wag kang masyadong mahigpit, baka kahit 'di pa nagiging kayo, iwan ka na nyan." Biglang dagdag pa nito at tinuro si Ara na halatang nagulat din.

Pasimple ko syang sinipa sa paa at sinenyasan na manahimik dahil baka biglang topakin si Liam at palayasin kami sa hotel nila.

Nakita kong saglit na napatitig si Liam kay Ara pagkatapos ay bumuntong hininga, senyales ng pagsuko.

"Fine. Whatever."

Bigla itong tumayo at lumabas ng room. Natitilan naman kaming napatingin sa pintong nilabasan nito pagkatapos ay nilingon ko si Reese na nakatakip pa sa bibig nya.

"Baliw ka kase eh." Nakangiwing ani ko.

Ngumuso ito. "Nagbibiro lang naman ako."

"Ya. What are you doing to my drinks?" Nangibabaw ang tinig ni Levi. Nakaturo ito sa hawak na bote ni Reese.

"Iniinom, malamang." Nakanguso parin ito.

"That's not even yours." Nagsungit na ito agad.

"Psh. Ang damot mo ah!"

Sumandal si Levi sa pader at pinag-cross ang mga braso. "Iinom naman kayo mamaya diba? Tss." Napailing pa ito.

Astang lalabas na sana ito ngunit nilingon na muna nya si Ara. Ang masungit na awra nito ay agad nawala nang magtama ang mata nila, parehong pareho sila ng kuya nya.

Haba naman ng buhok neto.

"See you later." Nakangiting sabi nito kay Ara.

Ngumiti naman ito pabalik. "Hmm." Simpleng sagot nito.

Napataas pa ang kilay ko nang bahagya pa nitong guluhin ang buhok ng kaibigan ko at nakapamulsang lumabas.

Hindi naman sinasadyang tumama ang paningin ko kay Reese. Naningkit pa ang mga mata ko nang makitang tila nabura ang sigla nito. Walang gana ang mga mata nitong nakatingin sa pinto na nilabasan ni Levi, pagkatapos at yumuko at nilipat ang paningin sa nagkikiskisan nyang daliri.

Point of retreatWhere stories live. Discover now