CHAPTER 39

160 23 0
                                    

Reese's POV

Bukas ay pasko na. Mula nung magchristmas break ay hindi na namin nakausap si Ara. Nabalitaan naming lahat ang tungkol kay Liam at talagang nagulat kami. Maski nga ang mga kapatid nya ay hindi makapaniwala.

Malinaw pa sa ala-ala ko kung paanong napatayo si Levi sa narinig sa balita. Nakita ko pa ang mariin na pagkuyom ng kamay nito at mabilis na umalis habang may hindi maipaliwanag na ekspresyon. Maging si Lara at salubong na salubong ang kilay.

"Ano? Tara na ba?" Tanong ni Luna.

Nasa loob kami ngayon ng isang restaurant at nag-iisip kung pupunta na ba sa bahay ni Ara. Ang totoo'y nagpaalam na nga kami pareho sa mga magulang namin na sa ibang bahay kami magpapasko. Nagalit pa nga ang daddy ko pero nung nabanggit ko si Ara ay agad itong pumayag.

Nung nakaraan pa kami nagkasundo ni Luna na salubungin ang pasko kasama si Ara. Ang dami na nyang pinagdaanan mag-isa kaya hindi naman siguro masamang samahan naman namin sya sa pagkakataong ito. Kami parin naman ang best friend nya.

"Bumili kaya muna tayo ng foods?" Suhestiyon ko.

Napaisip pa ito pagkatapos ay tumango tango. "Sige, sige. Tara."

Dumaan kami sa isang mall at doon namili. Si Luna pa nga ang namili ng bibilhin kaya halos mapangiwi ako dahil kung ano ano na lang ang nilalagay nya sa cart. Halos hindi na nga nya iyon tinitignan at basta na lang naglalagay.

Nasa kanya pa man din 'yung atm ko.

"Okay na. Tara!" Nakangiti pa itong humarap sakin habang hila hila ang cart. Mukang proud na proud pa nga ito sa sarili sa hindi ko malamang dahilan.

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan sya. Basta na lang ako tumayo sa hindi kalayuan sa kanya at ibinaling ang paningin sa labas. Tila wala pa nga ako sa sarili habang nakatingin sa mga taong naglalakad at kotseng nagdadaanan.

Ngunit halos magising ang diwa ko nang may tumama ang mata ko sa pamilyar na bulto. Kumunot ang noo ko at napaayos pa ako ng tayo habang tinititigan ang isang lalaking inaalalayan ang isang babae na sumakay sa kotse. Talagang naningkit ang mata ko habang inaaninag ang muka ng mga ito.

May parte sakin na nagpupumilit na sya iyon.

Oo. Malakas talaga ang pakiramdam ko na sya 'yon pero hindi ako sigurado. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita o namamalikmata lang ako.

Wala sa sarili akong naglakad at kusang gumalaw ang paa para sana puntahan ang taon iyon. Subalit awtomatiko akong napahinto nang muli ko iyong tignan at wala na sila doon. Kasabay pa ang biglang paghawak sa balikat ko na agad ko namang ikinagulat.

"Let's go." Bumungad si Luna na hawak ang tatlong malalaking paper bags. Itinaas nya pa iyon habang nakangiti.

Napailing naman ako at napabuntong hininga. "Baka nga namamalikmata lang ako.." bulong ko pa sa sarili at muling tinapunan ng tingin ang parte na iyon na ngayo'y bakante na.

"Huy, ayos ka lang?" Nagtatakang taong ni Luna.

Muli akong napabuntong hininga at tumingin sa kanya. "Para kasing nakita ko si Liam."

Halatang nagulat ito sa sinabi ko. "Liam? Ang alam ko'y hindi pa sya bumabalik, ah?" Mas takang ani nya.

Nagkibit balikat na lang ako qt ipinilig ang aking ulo. "Baka nga namamalikmata lang ako. Tara na." Anyaya ko pa.

Tumingin pa sa sya sa tinignan ko kanina bago sumunod sakin.

"Hoy, hindi mo man lang ba ako tutulungan?" Inis na sabi nito at nagdadabog pa.

Point of retreatWhere stories live. Discover now