CHAPTER 42

150 23 0
                                    

Arabella's POV

Walang buhay akong nakatingin sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang pagpatak ng malakas na ulan. Mula nung nagising ako ay hindi na ito nahinto, na pinasasalamatan ko narin kahit papaano. Pakiramdam ko kasi ay bahagyang gumagaan ang pakiramdam ko habang nakikinig at tumitingin sa walang tigil na ulan.

Ilang araw na rin siguro mula nung nagising ako. Hindi ko pa sya nakikitang muli pagkatapos ng nangyari. Pabor naman sakin dahil ayoko na syang makita pa. Pagkatapos ng lahat ay napagtanto ko na kung ano nga ba ako sa kanya. Napagtanto ko kung saan lang dapat ako lulugar, at hindi iyon sa tabi nya.

Napatingin ako sa kaliwang binti ko na nababalutan ng benda. Napuruhan ang binti ko sa nangyaring aksidente at talagang matatagalan pa bago ako makalakad ulit. Ang sabi pa nga ng doctor ay maswerte akong nakaligtas pa ako.

Gusto kong matawa nung sandaling iyon. Maswerte.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kumot ko at naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganito kahirap para sakin ang hanapin ang kasiyahan ko. Gusto ko lang naman magmahal at mahalin. Umasa ako na sya na iyong tao na kakalma sa magulo kong buhay. Akala ko sya na.

Napakagat ako sa labi ko at tuluyan nang bumuhos ang kinikimkim kong emosyon. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko habang inaangat iyon para ipamunas sa luha ko. Halos masugatan ko na nga ang labi ko sa sobrang diin ng pagkakagat ko. Ayokong may makarinig sakin, alam kong nasa labas ang mga kaibigan ko. Ayokong mas mag-alala pa sila.

Sobra akong naaawa sa sarili ko.

Noong dumating si Liam sa buhay ko ay hindi ako nagdalawang isip na papasukin sya. Siguro'y ganoon na nga talaga ako nangungulila sa isang pagmamahal kaya hindi ko na nagawa pang proteksyunan ang sarili ko. Basta na lang ako sumugod at hinayaan ang sarili na mabilis na mahulog kaya nasasaktan ako ngayon. Kaya mag-isa ako ngayon na nagdudusa.

Maya maya ay may narinig akong kumatok. Hindi ko man lang iyon pinagkakaabalahang tignan at itinuon ko na lang ang paningin ko sa labas ng bintana. Narinig ko pa ang pagbukas at pagsara ng pinto.

"Ara.."

Natigilan ako sa narinig. Kahit hindi ako tumingin ay alam kong sya iyon. Hindi ko maintindihan kung ano pang kailangan nya para magpakita pa sakin.

"I'm sorry.."

Bakas ang bahagyang panginginig sa boses nya na punong puno ng emosyon. Bahagya pa iyong mahina pero sapat lang para marinig ko.

"I'm sorry.." paulit ulit nya iyong sinabi.

Kumuyom ang kamay ko at hinarap sya. Muli pa akong nagulat nang makita syang nakaluhod sa harapan ko habang bahagyang nakayuko. Naagaw pa ang atensyon ko nang makita ko ang pagtulo ng sunod sunod nyang luha sa lapag.

"I'm sorry---hindi ko alam na aabot sa ganito.." para pa itong bata na pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad nya.

Hindi ako sumagot at walang buhay lang syang tinignan. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Nakita ko lang sya ay parang bumalik lahat ng pagod at sakit sa katawan ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana sa lahat at ang gusto ko lang ngayon ay mapag-isa.

Ilang saglit ko pa syang pinagmamasdan bago muling ibinalik ang walang buhay kong paningin a labas ng bintana. Napansin ko pa ang tila mas malakas na pagbuhos ng ulan. Mas malakas na iyon kumpara kanina.

"Hindi mo kailangang manghingi ng tawad." Mahinang sabi ko pagkatapos ay tinignan sya sa mismong mga mata. "Dahil hindi pa kita mapapatawad. Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita." Diretsyang sabi ko habang naglalabanan kami ng tingin.

Point of retreatDove le storie prendono vita. Scoprilo ora