CHAPTER 31

196 29 0
                                    

Arabella's POV

Kinabukasan ay talagang bumalik na ang lahat sa dati. Nabalik kaming lahat sa reyalidad at kapwa muling pumasok sa paaralan. Kahapon pa ay binalak kong pumasok sa trabaho ngunit ang sabi ng boss namin ay pinaalam daw ako ng daddy ni Reese. Noon ko lang din napagalaman na pagmamay-ari pala nila iyong restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

Akalain mo nga naman.

Napabuntong hininga na lang ako at bumaba ng bus. Sinadya ko pang huminto sa bandang gate ng eskwelahan upang saglit na pagmasdan ang mga estudyante. Kitang kita sa mga ito na naging sulit ang saglit na bakasyon. Kapwa sila nagyayabangan ukol sa naging mga bakasyon nila. Napangiti na lang ako at naglakad muli.

"Ara!" Napalingon ako nang nangibabaw ang malakas na sigaw na iyon.

Nakita ko si Luna na tumatakbo papunta sakin. Kumakaway pa nga ito. Agad akong huminto at humarap sa kanya.

"Ang aga aga, ang taas ng energy mo." Nakangiwing bungad ko.

Napayuko pa ito sa harapan ko habang hinahabol ang hininga. "Psh, 'wag kang kj. Ang ganda kaya ng umaga ko hehe!" Ngiting ngiti pang sabi nito.

"Nag-uusap na ulit kayo ni Lara?" Tanong ko at nag-umpisang maglakad.

Naramdaman ko pang natigilan ito. "O-Oo hehe.." kinamot pa nito ang pisnge.

Umikot ang mata ko. "In denial lang kasi talaga kayo pareho eh."

"Sya lang 'yon!"

"Buti pumayag nang magpaligaw?"

Mabilis ako nitong nilingon habang kunot ang noo. "Anong magpaligaw?"

"Oh, 'di ba ikaw 'yung nanliligaw?" Inosenteng tanong ko pa.

"Anong ako?! Baliw ka ba?!" Wala pa man ay nagtaas agad ito ng boses.

"Psh."

"Huwag mo ngang sirain umaga ko. 'Yong Liam mo 'yung intindihin mo. Baka hindi na bumalik." Nakangiwing sabi pa nito at naghalukipkip.

Inis ko itong tinignan. "Manahimik ka nga. Wala pa nga kayong label eh."

Napailing na lang ako nang hindi talaga ito nagpatalo at nagtuloy tuloy ang bunganga nya hanggang makarating kami ng room. Hindi ko naman halos napakinggan ang mga kinukuda nya dahil kusang lumipad ang isip ko.

May parte sakin na kusang hinahanap ang presensya ni Liam, kahit na alam ko namang wala ito ngayon sa pinas. Ayoko namang masyadong guluhin ang isip ko dahil kampante naman akong babalik sya. Panay pa nga ang pagcontact nito sakin. Naisip ko tuloy na andami ata nitong oras.

Bahagya pa akong nagulat nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at nakita ang text nula kay Liam.

"Good morning, pretty."

Isang simpleng good morning lang iyon ngunit gusto kong matawa nang makita ang mga emojis sa dulo.

Ganon pa man ay sobrang sweet ng text na iyon para sakin. Hindi pa man kami ay ramdam ko naman na kung gaano sya kasweet. Nakakatuwa lang dahil mas lamang talaga ang kilos na pinakita nya. Hindi kasi talaga ako madaling mauuto sa mga salita lang. Mas gusto ko kapag makikita mo agad, sa kilos pa lang.

Pagkarating sa room ay pabagsak pang naupo si Luna habang marahan ko namang inilapag ang mga gamit ko. Pagkaupo ay inasahan kong dadaldal agad sya.

"Oy, exam daw natin sa Thursday?"

Point of retreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon