CHAPTER 22

280 32 0
                                    

Arabella's POV

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa destinasyon. Napailing pa ako dahil sa sobrang gulo ni Luna. Sobrang excited nito na animo'y kung pwede lang ay baka tinalon na nya ang eroplano.

Gusto ko tuloy mapaisip kung hindi pa sya nakapunta sa korea. Sa yaman nya ay nakakapagtaka naman.

"Nakaka-excite naman! Sana makita natin yung bigbang!" Talagang malakas ang boses nya.

Nakakapit pa ito sakin hanggang sa makababa kami ng eroplano. Si Reese naman sa tabi ko ay panay rin ang pagdaldal. Hindi ko tuloy alam kung sino ang lilingunin ko sa kanila.

"Let's go." Nangibabaw ang tinig ni Liam.

Bahagya pa akong natigilan nang iabot nito ang kamay sakin. Ramdam ko pang agad na napabitaw ang dalawa sakin.

Lihim akong napakagat sa labi ko at inabot ang kamay nya. Gusto kong mahiya dahil ramdam kong pinag-uusapan ako ng dalawa.

Maya maya pa'y nasa harapan na kami ng tatlong nakaparadang sasakyan. Nasa harapan pa ng mga sasakyan na iyon ang tatlong naka-itim na suit na lalaki. Kapwa may edad na ang mga ito.

"Good afternoon, young masters." Sabay sabay na bati ng mga ito sa magkakapatid at nag-bow pa.

Grabe naman..

"Let's go." Muling ulit ni Liam. Nakangiti pa itong humarap sakin.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at kapwa kami naupo sa likod. Gaya kanina ay sumakay kasama ni Lara si Luna habang si Reese ay sumabay kay Levi.

Pagpasok pa lang sa sasakyan ay nangibabaw ang kanta. Agad gumaan ang pakiramdam ko dahil isa iyon sa paborito ko.

"Are you still shy?" Muling nangibabaw ang tinig ni Liam. Napalingon ako rito, nasa harapan ang paningin nya.

Pinakiramdaman ko pa ang sarili. "M-Medyo."

"Gusto ko sana ay maging kumportable tayo sa isa't isa." Bumuntong hininga pa ito.

Napangiti naman ako at dahan dahang isinandal ang ulo ko sa balikat nya. Ramdam ko pa ang bahagya nyang gulat.

"Mm. I agree." Mahina pang ani ko.

Napapikit pa ako dahil sa ganda ng kanta.

Look at the stars

Look how they shine for you

And everything you do

Yeah, they were all yellow

I came along

I wrote a song for you

And all the things you do

And it was called Yellow

So, then I took my turn

What a thing to've done

And it was all yellow

Naramdaman ko pang bahagyang gumalaw ang balikat nya, senyales na tumatawa sya. Agad kong naialis ang ulo ko sa balikat nya at nakangiwi syang tinignan.

"Why are you laughing?"

Ngiting ngiti itong tumingin sakin na halos mawala na ang mata nya.

"Nothing. I just realized why I keep falling for you." Nagkibit balikat pa ito.

Natigilan pa ako nang bahagya nang bigla nitong kunin ang kamay ko. Pinag-intertwined nya ang kamay namin at pinatong sa ibabaw ng isa nyang hita. Gaya ng dati ay agad na naghabulan ang dibdib ko.

Point of retreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon