CHAPTER 25

249 31 0
                                    

Arabella's POV

Naalimpungatan ako nang mangibabaw sa pandinig ko ang malakas na kanta. Nangibabaw iyon sa buong room namin. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil talagang maganda ang kanta.

Napatingin pa ako sa wall clock at nakitang ala siete na pala. Naalala kong nasabi nilang may lamad kami ngayon. Hindi ko nga lang alam kung matutuloy dahil mukang malakas ang ulan. Kitang kita ko mula sa salamin na bintana.

Napapikit pa ako habang nakasandal sa headboard ng kama. Hindi ko alam ngunit gusto ko talaga ang ganitong panahon. Maulan tapos maganda pa ang kantang naririnig ko. Tahimik akong napangiti.

The strands in your eyes that color them wonderful

Stop me, and steal my breath

And emeralds from mountains, the thrust towards the sky

Never revealing their depth

And tell me that we belong together

Dress it up with the trappings of love

I'll be captivated, I'll hang from your lips

Instead of the gallows of heartache that hang from above

Hindi ko alam ngunit natigilan ako nang nagplay ang kantang iyon. Biglang pumasok sa isip ko ang alaala ng papa ko. Mahilig nya kasi iyong kantahin habang naggigitara noong bata pa ako. Mapait akong napangiti at napatingala. Nanuot sa sistema ko ang magandang kanta at magandang liriko.

And I'll be your cryin' shoulder

I'll be love's suicide

And I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life

Napangiti ako at pumasok sa isip ko si Liam. Ang taong kayang magpangiti sakin sa kabila ng mga pinagdaanan ko. Hindi ako nagsisising nakilala ko sya. Sana nga lang ay manatili kaming ganito hanggang sa huli.

"And I'll be your cryin' shoulder
I'll be love's suicide
And I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life.."

Agad sumama ang muka ko nang sabayan pa ni Reese ang kanta. May pakulot kulot pa syang nalalaman. Pakiramdam ko tuloy ay nasira ang pag-eemote ko dito.

"Hoy, 'wag ka ngang magulo. Nakikinig ako sa kanta eh." Saway ko sa kanya habang nakasilip sa pinto. Nasa kitchen sya at nagluluto.

Mabilis itong sumimangot at sinamaan ako ng tingin. "Oh eh bakit? Sumabay lang naman ako ah?!"

"Ang pangit ng boses mo."

Narinig ko pa ang pagsinghap nito. Talagang gulat na gulat sya sa sinabi ko.

Totoo naman..

"Hoy! Ang sama ng ugali mo ah!" Dinuro pa ako nito gamit ang hawak na sandok. Nagmamaktol talaga ito na animo'y hindi matanggap ang sinabi ko.

Napangiti na lang ako ay napailing. Muli akong bumalik aa kwarto at dumiretsyo sa bathroom. Napataas pa ang kilay ko nang makita ang malaking bathtub doon.

Bakit nga naman hindi diba?

Napangiti ako sa naisip at hinanda na ang bathtub. Pagkatapos kong tanggalin lahat ng suot ko ay umupo na ko roon. Napapikit pa ako habang nakangiti. Ang sarap sa pakiramdam.

Maya maya ay pumasok si Reese. Hindi ko ito pinansin at nanatiling nakapikit.

"Hindi mo man lang ako inaya!" Nagmamaktol parin ito.

Point of retreatWhere stories live. Discover now