CHAPTER 6

442 32 0
                                    

Arabella's POV

"Magkakaroon tayo ng special performance sa Friday dahil may darating sa bisita." Nakangiting sabi ni Angel habang isa isa kaming tinitignan.

"Actually nakapili na kami ni Caila." Pagpapatuloy nito na tinutukoy ang vice president nya.

"Arabella and Levi. Kayo ang magpeperform." Biglang singit ni Caila. Nagugulat naman akong mapatingin dito pero nginitian lang ako nito.

Walang magawa akong napasandal sa upuan ko. Napatingin naman ako kay Levi na parang walang pakielam. Nanatili ang paningin nito sa harap. Napabuntong hininga na lang ako.

Wag ka nang umarte. Bulong ko sa sarili ko.

"Excuse kayo bukas. Maghapon yon. Napagpaalam na namin kayo na magpapractice. Don't worry." Muli itong ngumiti sa amin at naupo sa upuan nya.

Tinitigan ako nito habang nakangiti. Nagtataka naman akong napatingin dito.

"Bakit kaya hindi natin pakantahin si Ara ngayon, no?" Nakahawak pa sa babang ani nito.

"Nako hindi na." Naging todo ang pagtanggi ko habang nakaharap pa ang dalawang palad ko.

"Ito naman oh. Minsan lang naman. Sige na." Magkalapat pa ang dalawang palad na sabi nito. Napakagat naman ako sa labi ko.

Walang magawa kong kinuha ang gitara ng iabot nya iyon sakin.

Napabuntong hininga pa ako at pumunta sa harap. Umayos ako ng upo at marahang kinalabit ang strings ng gitara. Napapikit pa ako nang unti unting nanuot sa sistema ko ang kanta.

"It's you..

It's always you..

If I'm ever gonna fall in love..

I know it's gon' be you.."

Naramdaman kong natahimik ang lahat at napunta ang lahat ng atensyon sakin.

"Oh! Ang ganda ng kanta na yan." Rinig ko pang sabi ng isa na animo'y feel na feel ang kanta.

"It's you..

It's always you..

Met a lot of people..

But nobody feels like you.."

Unti unti akong nagmulat ng mata at saktong tumama ang paningin ko sa pintuan. Gusto ko mang magulat nang makita si Liam doon na nakatayo at deretsyong nakatingin sa akin ay hindi ko na nagawa pa. Nasakop ng kanta ang sistema ko.

"So please don't break my heart..

Don't tear me apart..

I know how it starts..

Trust me I've been broken before.."

Hindi nakaligtas sa paningin ko nang lumamlam ang mga mata nya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay para sa kanya ang lirikong iyon.

Nahagip ng paningin ko si Levi na diretsyo ring nakatingin sa akin. May hindi maipaliwanag na lungkot sa mga mata nya. Hindi ko alam kung saan ang pinagmulan pero alam kong hindi ko kayang punan.

Point of retreatWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu