CHAPTER 33

180 30 0
                                    

Arabella's POV

*RIINNNGGG!!!*

Agad nagising ang diwa ko nang tumunog ng malakas ang cellphone ko. Agad pang nangibabaw sakin ang inis dahil hindi ko pala na-silent ang cellphone ko kagabi. Hindi ko alam kung sino ang tumatawag sakin nang ganito kaaga ngunit talagang gusto ko pang matulog.

Napabaluktot pa ako nang maramdaman ko ang lamig. Nasa tagiliran ko na pala ang kumot kaya agad ko iyong hinatak hanggang ulo ko at muling pumikit para bumalik sa pagkakatulog.

*RIINNNGGG!!!*

Napapikit ako ng mariin sa inis at walang tinginang kinapa ang cellphone ko sa side table habang panay ang paghikab. Halos mapatakip pa ako sa mga mata ko nang bumungad sa mata ko ang liwanag mula sa cellphone ko.

"Hello---"

"Hoy nandito na 'ko sa meeting place! Asan ka na ba?!" Nangibabaw ang maingay na boses ni Luna. Halos mailayo ko pa nga ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses nya.

Napakusot ako ng mata pagkatapos ay pilit inaninag ang cellphone ko para tignan ang oras.

"Ano? Anong ginagawa mo dyan? Ang aga aga pa."

"Anong maaga? Alas kwatro na!"

Sumama ang muka ko sa tining ng boses nito. "Ang aga aga, ang ingay ingay mo."

"Psh." Kahit hindi ko ito kaharap ay paniguradong umikot ang mata nito.

"Ala sais ang usapan natin, Luna. Ang aga aga pa, inaantok pa 'ko." Ani ko habang masama ang loob na bumangon at umupo sa kama ko.

"Hindi ba't mas maganda kapag maaga? Bilisan mo na dyan! Ang lamok kaya dito!" Nagmamaktol na sabi nito at narinig ko pa ang pagpalo palo n'ya sa balat nya.

"Excited ka lang talaga."

"Gising na kaya 'yung si Reese?"

"Ewan ko. Hindi naman kami magkasamang natulog."

"Yung sarili ko 'yung kausap ko. 'Wag ka ngang epal!"

"Psh, baliw."

Narinig ko pa ang buntong hininga nito. "Sige, tawagan na lang kita maya maya. Tawagan ko lang muna si Reese."

Tinatamad akong tumayo sa kama ko. "Sige."

"Hoy, magbihis ka na ah! Baka mamaya hindi ka pa----"

Walang gana kong pinutol ang tawag at hinagis ang cellphone sa ibabaw ng kama. Nag-unat pa ako at ilang beses humikab bago dumiretsyo sa bathroom para maligo.

Mabilis lang akong naligo dahil sa lamig. Nagtapis lang ako ng tuwalya pagkatapos ay lumabas. Narinig ko pang muling tumunog ang cellphone ko na agad ko namang pinuntahan. Sinagot ko lang iyong at ini-loud speaker habang nanatiling nakapatong parin sa kama ko.

"Nakabihis ka na?" Panimula nito. Nakarinig pa ako ng tunog ng mga sasakyan.

"Nagbibihis pa lang." Ani ko habang inaayos ang sarili.

Point of retreatWhere stories live. Discover now