CHAPTER 7

437 31 0
                                    

Arabella's POV

Halos takbuhin ko na ang daan papuntang school nang huminto ang bus na sinasakyan. Maka-ilang beses pa akong napasulyap sa relo ko kahit alam kong late na ako.

Dumiretsyo pa ako sa room namin at napakagat sa ibabang labi nang makitang nagtuturo na ang teacher namin.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at marahang kinatok ang nakabukas na pinto. Agad napukaw ang atensyon ang lahat at nabaling sa akin. Agad tumama ang paningin ko kay Luna na walang emosyong nakatingin sakin.

"Oh, miss Tenorio?" Nagugulat pang sabi ng teacher namin. Napayuko naman ako.

"I'm sorry I'm late,nmiss—"

"Don't worry pinaalam ka na sa lahat ng teachers mo ngayon. You can go." Maaliwalas ang ngiti nito kaya mabilis nawala ang kaba ko.

Napangiti na lang ako rito at saglit tinapunan ng tingin si Luna na ngayon ay nasa bintana na ang tingin. Napapabuntong hininga akong umalis at naglakad papuntang room ng music club.

Bago ako matulog kagabi ay siniguro kong na-itext ko sya. Pero wala akong natanggap na kahit isang sagot mula sa kanya. Alam kong galit parin talaga sya sakin.

Tahimik akong naglakad sa hallway at talaga namang lumipad ang isip kon kung saan.

"Ang laki pala talaga nitong school na to." Biglang may nangibabaw na boses ng babae sa tabi ko. Mabilis akong nag-angat ng paningin dito.

Patango tango pa ito habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa baba at ang isa ay nasa bandang tiyan nya. Matangkad sya sa akin ng kaunti at alam kong mas matanda rin sya sakin pero nangingibabaw ang bata nitong muka.

Brown ang mahaba at wavy nitong buhok na talagang bumagay sa maputi nitong kutis. Hindi maikakaila ang maganda pero mukang palaban nitong muka.

Hindi sya pamilyar sakin..

Hindi ko sya sinagot at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad. Bahagya pa akong nailang nang hindi ito umalis at naglakad lang rin sa tabi ko. Pakiramdam ko tuloy ay sinusundan nya ako.

Hindi pa man nakakalapit sa room ay natanaw ko na si Levi. Nakasandal ito sa pinto at magka-cross ang mga braso.

"You're late." Kibit balikat nitong sabi at pagkatapos ay agad na ngumiti sakin.

Mabilis naman akong ngumiti pabalik at naunang pumasok sa loob. Marahan ko pang inilapag ang bag ko at kinuha ang gitara.

"Lara.." Mahinang ani ni Levi habang nakatingin sa babae na hindi ko napansing nandito parin pala.

Ngumisi ang babae. "Kaylan nyo ba talaga ako matututunang tawaging ate?" Sarkastikong sabi nito.

"Psh." Iyon lang at lumapit si Levi sa isa pang gitara at naupo hindi kalayuan sa akin.

Nanatili ang paningin ko sa babae habang marahang kinakalabit ang strings ng gitara. Bahagya itong nakangiti at humatak ng isang upuan. Prente syang naupo doon at ipinatong pa ang dalawang binti sa isa pang upuan.

"Hi." Nakangiti itong bumaling sakin.

Napatitig pa ako saglit sa kanya bago sumagot. "Hi." Hindi ko alam bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

"I'm Lara Yoo." Nakangiting pakilala pa nito na halos hindi na makita ang mata nya.

"She's our Ate." Biglang singit ni Levi.

Point of retreatWhere stories live. Discover now