CHAPTER 38

162 24 0
                                    

Arabella's POV

Nagising ang diwa ko nang tumama ang sinag ng araw sa muka ko. Pagkadilat pa lang ng mata ko ay agad na umikot ang paningin ko. Binalak ko pa sanang tumayo ay mabilis akong napahiga muli sa kama. Sobrang sakit ng ulo ko na para bang binibiyak. Sobrang sama ng pakiramdam ko.

Hindi ako makapaniwalang ngayon pa ako nagkasakit.

Gayon pa man ay hindi ko na sinubukan pang labanan ang sarili ko parang magpumilit na pumasok. Ngayon ay tila hindi ko kaya ang sarili kong katawan. Maski iangat ang sarili kong ulo ay hirap ako. Konting galaw ay umiikot ang paningin ko. Hindi ako sakitin ngunit kapag nagkasakit naman ay sobra.

Hinatak ko ang kumot at itinaklob hanggang ulo ko. Mahigpit pa akong napayakap sa unan ko dahil sa sobrang lamig na nararamdaman. Ang katawan ko naman ay mainit at ramdam na ramdam ko iyon.

*RIINNNGGG!*
*RIINNNGGG!*

Napapikit ako nang nangingibabaw ang maingay na tunog ng cellphone ko. Masakit iyon sa ulo at tila umuugong pa sa sintido ko. Agad ko iyong kinapa sa side table kahit hindi tinitignan. Sinagot ko iyon kahit hindi rin tinitignan kung sino man ang caller.

"Hello?" Boses iyon ni Luna na inasahan ko na rin naman.

"Oh?" Malatang sagot ko.

"Hindi ka ba papasok? Anong oras na ah?"

"Hindi, eh. May sakit pa ata ako."

Narinig ko pa ang buntong hininga nito kasabay ang maingay na boses ng mga kaklase namin.

"Pwede ba, manahimik nga kayo!---Sige,sige. Magpahinga ka na lang muna." Wala talagang kasing lakas ang boses nya. "Anak ng---Hoy! Ayaw nyo talagang tumahimik ah----!"

Pintay ko na ang tawag at binalik ang cellphone ko.

Ako naman ang napabuntong hininga at tinanggal ang kumot na nakataklob sa muka ko. Tumingin ako sa bintana at doon lang napagtanto na madilim ang kalangitan. Makulimlim ang paligid na s'yang para bang mas nakadagdag sa panlalata ko. Gusto kong mainis sa sarili dahil hindi ko inayos ang kurtina kagabi bago matulog.

Walang gana akong tumayo at pumuntang bintana upang isara iyon. Akma ko na nga iyon sanang isasara nang tumama ang mata ko sa labas. Bahgya akong natigilan habang walang imik na pinapanood ang pagpatak ng mahinang ulan. Pinanood ko pa ang tila mabagal na pagdaloy non sa salamin na bintana. Napabuntong hininga ako at naghatak ng upuan.

Tahimik akong umupo habang yakap yakap ang mga tuhod. Tila walang buhay ang mga mata ko habang nakatingin sa kung saan. Ang paningin ko ay tila lamang tumatagos. Ang napakabigat na pakiramdam ko kaina ay para bang gumaan ng bahagya. Ganito ko talaga kagusto ang ulan.

Napapikit na lang ako tumalikod aa bintana upang harapin ang kwarto kong bahagya pang magulo. Muli kong itinaas ang parehong binti ko at niyakap ang mga tuhod ko. Ipinatong ko ang pisnge ko sa tuhod ko at hinarap ang picture ng papa ko na nakapatong sa table. Lumamlam ang mata ko habang pinapasadahan ng tingin ang nakatinging muka ni papa.

Hindi na pala ako nakakadalaw kay papa.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig at ilang sandaling nanatiling ganoon. Kung ano ano lang ang pumapasok sa isip ko kaya bahagya pa akong napailing. Muli akong napabuntong hiniga at tumayo sa inuupuan ko.

Dumiretsyo ako sa kusina at mabagal na kumilos para pagsilbihan ang sarili ko. Nagluto lang ako para kahit papaano nama'y may laman ang tiyan ko. Sa mga ganitong panahon ay sarili ko lang ang masasandalan ko kaya hindi ko dapat pabayaan ang sarili ko at hayaan an sakit na lumukob sakin.

Point of retreatWhere stories live. Discover now