CHAPTER 20

307 31 0
                                    

Arabella's POV

"Wake up." Ramdam ko ang marahang pagyugyog sa balikat ko.

Inis ko naman itong tinabig at iniharap ang ulo ko sa kanan. Akma na akong malulunod sa antok nang muli na naman akong kalabitin.

Sumama ang muka ko. "Ano ba?" Mahina ko iyong sinabi habang nakapikit parin.

"Inaantok pa 'ko----"

"Happy birthday."

Natigilan ako nang marinig ang boses nito. Mabilis akong dumilat at mas lalong natigilan nang makita si Liam sa harapan ko. Malapit na malapit sa akin. Konting kilos lang ay talagang magdidikit ang ilong namin.

Mabilis akong umatras at umayos ng upo. Pasimple ko pang inayos ang buhok ko.

"L-Liam." Parang tangang sabi ko pa at alanganing ngumiti.

May naglalarong ngiti sa labi nito. Pinapaikot pa nya ang susi ng kotse sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay ay nakatago sa likod nya.

"K-Kanina ka pa?" Muling tanong ko.

"Kakarating nyo lang. Ayaw mo raw magpagising, kaya ako na lang gumising sa 'yo." Ngumiti ito. "Kakaalis lang din ng mga kaibigan mo. Kung maglalakad tayo ngayon ay maaabutan pa natin sila." Ngayon ko lang sya nakitang nagsalita ng ganon kahaba.

Bigla ay gusto kong batukan ang sarili. Talagang sya pa ang pumunta para lang gisingin ako. Gusto kong mahiya dahil muka pa naman akong tangang matulog.

Hays.

Pasimpleng umikot ang paningin ko sa paligid. Mukang nakalimutan ko talaga na wala ako sa bahay ngayon, tapos ay iniwan pa talaga ako nung dalawa.

Hindi ako nakapagsalita at tanging tumitig lang sa gwapo nitong muka. Tila mas lalo akong nalunod nang ngumiti ito na halos hindi na makita ang mata. Napabuntong hininga na lang ako.

"I missed you." Biglang ani nito ag bahagya pang ginulo ang buhok ko.

Ang dibdib ko naman ay tila naghahabulan. Tanging presensya nya lang ay sapat na para guluhin ang isip ko. Ayoko namang lokohin ang sarili ko dahil alam na alam ko kung anong nararamdaman ko sa kanya.

"Let's go."

Umayos ito ng tayo at doon ko lang napansin na nakasuot ito ng itim at mahabang coat habang naka-turtle neck ang panloob. Nagulat pa ako nang makitang hawak nito sa kaliwang kamay ang maleta ko.

Inabot nito ang kamay sakin. Agad gumuhit ang ngiti sa labi ko. Mabilis pa sa alas kwatro kong itinipon ang hiya na nararamdaman kanina. Bahagya ko pang inayos ang sarili at walang alinlangang inabot ang kamay nya.

Paglapat pa lang ng kamay namin ay marahan ako nitong hinatak. Natigilan pa ako nang makita ang malaking gusali sa harapan ko. Gaya namin ay maraming taong naglalakad sa paligid, ang ilan ang nakauniporme pa.

Hotel?

Napalingon naman ako sa nakatalikod na si Liam. Gusto kong mamangha dahil sa laki nitong gusali na alam kong pagmamay-ari ng pamilya nila. Alam ko rin na hindi lang ito ang hotel na pinamamalakad ng pamilya Yoo.

Pagpasok sa entrance ay yumuko pa ang guards na nadaanan namin.

Pagkakita ko pa lang sa loob nito ay tila gusto kong tumigil upang saglit na pagmasdan at humanga sa ganda nito. Makinang ang kabuuan ng lugar para sakin. Ang modernong disenyo nito ay talagang kahanga hanga.

Point of retreatWhere stories live. Discover now