CHAPTER 35

170 28 0
                                    

Arabella's POV

Natapgpuan ko ang sarili kong nasa rooftop. Katabi ko si Liam habang kapwa kami nakatingin sa baba. Maraming tao at iba't ibang ilaw, halos rinig ko pa nga ang ilang tawanan at may kalakasang mga music mula dito.

Kapwa kami nakadantay sa railings at walang imik. Napatingin pa ako sa kanya at nakita syang inaabala ang mga mata sa pagtingin sa baba. May mumunting ngiti rin ito sa mga labi. Sa nakikita ko ay tila nasa magandang mood pa sya ngayon.

"I missed you." Mahinang sabi nya.

Hindi ako sumagot at napayuko lang. Dumagdag pa sa bigat na nararamdaman ko ang pag-ihip ng malamig na hangin sa pagitan namin.

"Are you mad?" Muling ani nya.

"No." Tinanggal ko ang singsing sa daliri ko at pinaglaruan.

"Are you jealous?" Tila nag-aalangan nya iyong itinanong.

Inangat ko ang paningin ko at tinignan sya sa mismong mga mata. "Yes." Diretsyong sagot ko.

Agad na gumuhit ang pagkagulat sa muka nya. Tila hindi pa ito makapaniwala na masasabi ko 'yon ng diretsyahan. May bahid din ng pag-aalala ang mga mata nya.

"Ara.." Mukang hindi nya mahanap ang sasabihin.

Tinanggal ko ang kamay ko na nakapatong sa railings at tumayo ng maayos sa harapan nya. Tinignan ko pa sya ng diretsyo sa mata. Pinilit kong alisin ang mga emosyon sa muka ko kahit na tila sasabog na ako sa mismong kinakatayuan ko.

"Bakit kayo magkasama kanina?" Tanong ko habang may namumuong mapait na ngiti.

Muli pa itong nagulat. "Magkasabay lang kaming umuwi ng pilipinas." Napabuntong hininga pa ito nang makitang hindi nagbago ang emosyon ko. "Ara.. walang kahulugan 'yon. Nagkasabay lang kami. 'Yun lang." Nag-aala pang sabi nito at akmang hahawakan ang pisnge ko ngunit yumuko ako.

"Hindi ka na nya kaylangang yakapin pa nang ganon kahigpit, Liam." Punong puno ng emosyon na sabi ko.

Hindi ko alam kung may mali ba sa kinikilos ko dahil sa sobrang selos at sama ng loob na nararamdaman ko. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangan pang yakapin ng babaeng iyon si Liam bago sila naghiwalay kanina. Ako na girlfriend nya ay hindi man lang iyon nagawa.

"Hindi ba nya alam na ako ang girlfriend mo? Hindi ka man lang ba nag-aksayang sabihin sa kanya 'yon?" Mapait ang ngiting sabi ko.

Napakuyom ang kamay ko dahil tila hindi ito makasagot. "Nakakainis dahil wala ka man lang ginawa nung ginawa nya 'yon. Humarap ka lang sakin na para bang ayos parin ang lahat." Matigas na sabi ko.

"I-I'm sorry---"

"Tatlong araw kang walang paramdam sakin tapos--" Yumuko ako para itago ang pamamasa ng mata ko. "Tapos ito pa 'yung bubungad sakin." Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

Muli ay hindi ito nakasagot. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sakin.

"Tawag at text mo lang naman hinihintay ko eh. Sa loob ba ng tatlong araw na 'yon, hindi ka nagkaroon ng kahit isang minutong bakante para magsabi sakin?" Iniangat ko ang muka ko. Wala na akong pakielam kahit tuloy tuloy na ang pagtulo ng mga luha ko.

Nakita ko ang pagkataranta ni Liam nang magtama ang mata namin. Bumakas ang sobrang pag-aalala sa muka nya at tila nag-aalangan pa kung hahawakan ako o ano.

Point of retreatWhere stories live. Discover now