CHAPTER 27

231 30 0
                                    

Arabella's POV

Abala ang lahat sa pagbabalyahan ng salita habang ako ay lihim lang silang pinapanood. Tahimik lang akong nakangiti habang walang sawang pinagmamasdan ang masasaya nilang tawa. Kung pwede lang na ganito kami palagi ay mas masaya sana.

Nakita ko pang kunin ni Lara ang gitara at ngiting ngiti pa iyong iniangat. "Let's sing!" Ani nito at kinalabit ang strings ng gitara.

"I met you in the dark, you lit me up.." Simula pa ni Lara.

Napangiti ako at sinalo ang liriko.

"You made me feel as though I was enough

We danced the night away, we drank too much

I held your hair back when

You were throwing up.."

"Galing!" Buyo pa ni Reese habang nakangisi at pumapalakpak pa.

"Then you smiled over your shoulder

For a minute, I was stone-cold sober

I pulled you closer to my chest

And you asked me to stay over

I said, I already told ya

I think that you should get some rest.." kinanta ko iyon na feel na feel, pumipikit pa.

"I knew I loved you then

But you'd never know

'Cause I played it cool when I was scared of letting go.." Sumabay sila. Pinakamalakas pa ang boses ni Luna na nangingibabaw talaga.

"I know I needed you

But I never showed

But I wanna stay with you until we're grey and old

Just say you won't let go

Just say you won't let go.."

Talagang napuno ng ingay ang buong room namin. Hindi ko alam kung anong uri ng lalamunan ba mayroon sina Luna at Reese. Talagang ang tinis ng boses nila kapag nagsasalita. Animo'y nagpapataasan ng boses ang dalawa.

Napahinto kami nang tumunog ang door bell. Agad naman akong tumayo para tignan. Nagulat pa ako nang makita ang maraming pagkain na dala ng delivery boy. Parang buong barangay naman ang kakain nito.

"Kain muna tayo. Lunch na." Ani Lara at naglakad pa papuntang direksyon ko. Kinuha nito ang mga paper bag sa kamay ko at sya ang nagdala sa kitchen.

Napatingin naman ako sa wall clock at bahagya pang nagulat nang makitang 12:40 na ng hapon. Ang bilis ng oras. Kung hindi pa nag-order ng pagkain si Lara ay baka pagsabayin na namin ang Lunch at dinner.

"Tigilan mo na nga 'yan. Kakain na." Rinig kong inis na sabi ni Levi at inagaw pa ang bote ng soju na hawak ni Reese.

"Akin na 'yan, nauuhaw ako!" Pinilit nya iyong kunin ngunit tumayo si Levi kaya hirap talaga syang abutin 'yon.

"Madaming tubig dyan. Gusto mo maglublob ka pa." Masungit na sabi ni Levi at naupo sa sofa.

Hindi nama nakasagot si Reese at nagmumukmok na naupo sa gilid. Bubulong bulong pa ito habang nakahalukipkip.

Mahina kong dinunggol ang balikat ni Luna habang nakatingin sa kitchen. Taka namab itong napatingin sakin.

"Bakit?" Mahinang tanong nito.

Point of retreatTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang