CHAPTER 14

355 33 0
                                    

Walang gana kong tinitigan ang pagkain na in-order ko. Hindi ko alam bakit ko ba naisipang bumaba pa sa cafeteria ngayong lunch gayong alam ko naman na hindi ako gutom.

Mabilis ko lang tinapos ang pagkain ko pagkatapos ay lumabas na ng cafeteria. Saglit ko pang tinapunan ng tingin si Luna na nakayuko sa kinakain nya.

Malakas akong napabuntong hininga at pinakiramdaman ang sarili. Gusto kong isipin na selfish nga ako ngunit talagang hindi ko rin masisisi ang sarili ko dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang may manatili sa tabi ko sa oras na kailangan ko. Gusto ko lang namang magkaroon ng taong kakalma sa magulo kong isip.

Dumiretsyo ako sa cr para maghilamos at maghugas narin ng kamay.

Tinitigan ko pa saglit ang sarili ko mula sa salamin. Nakita ko pa kung gaano kawalang buhay ang mga mata ko. Bahagyang itim ang ibaba ng mata ko dahil sa pagod at puyat ngunit wala naman akong magagawa. Sa estado ng buhay ko ay hindi ako maaaring magpahinga lang kahit saglit.

Kaylangan ko pa palang magbayad sa hospital..

Malaki laki ang bayarin na naiwan ng papa ko sa hospital. Hindi ko naman pinagsisihan na dinala ko sya roon kahit lubos ang pagtanggi nya dati. Gusto ko pa ngang magpasalamat dahil kahit papaano'y nakasama ko pa saya kahit sandali lang.

Ipinatong ko ang pareho kong kamay sa sink at yumuko habang nakapikit, pilit pinapaaliwalas ang isip. Nag-uumpisa na ring sumakit ang ulo ko.

Pinunasan ko lang ang muka ko at ang pareho kong kamay pagkatapos ay lumabas na nang cr.

"Arabella." Napahinto ako nang mangibabaw ang boses ni Aian sa likod ko.

Walang emosyon ang muka nito habang nakasandal sa pader malapit sa pintuan ng cr. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya rito, kung sinundan nya ba ako o ano.

"Anong ginagawa mo rito?" Pinakalma ang sariling tanong ko.

Bahagyan akong lumayo rito lalo na nang makitang kaming dalawa lang at walang katao tao sa buong hallway. Hindi ko alam kung umpisa na ba ng klase.

"You still like him?" Parang wala sa sarili pang tanong nito.

"What?"

"You still like Liam?!" Biglang sigaw nito na talagang ikinagulat ko.

Hindi ako nakasagot. Nag-uumpisa na akong kainin ng takot lalo na nang dahan dahan itong naglakad papuntang direksyon ko hanggang sa maramdaman ko ang pader sa likod ko. Wala na akong matatakbuhan.

"A-Aian—"

"Bakit sya parin ang gusto mo?! Binago ko na ang lahat sakin, tapos sya parin ang gusto mo?!" Napayuko ako nang isigaw nya iyon sa muka ko.

"A-Ano bang nangyayari sayo—?" Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang hawakan nito ang parehong pulsuhan ko at malakas akong isinandal sa pader.

"Bitawan mo 'ko!"

Nag-umpisa na akong mag-panic habang pilit inaalis ang mahigpit nitong hawak sa pulsuhan ko ngunit talagang hindi ko iyon maialis. Ano nga bang laban ko rito dahil bukod sa lalaki ito na 'di hamak na mas malakas sa akin ay mas matangkad ito ng bahagya.

Agad nagwala ang sistema ko nang pilit nitong inilagay ang kaliwang binti sa gitnan ng mga hita ko. Napayuko ako nang naramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko.

"B-Bitawan mo 'ko.."

Paulit ulit ko iyong sinabi habang tuloy tuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Sunod sunod din ang paghikbi ko habang nag-umpisang manginig ang aking katawan.

Point of retreatWhere stories live. Discover now