CHAPTER 8

426 32 0
                                    

Arabella's POV

Marahan kong kinakalabit ang strings ng tira habang wala sa sarili at lumilipad ang isip. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. May napapansin ako pero ayoko na lang pansinin.

Nasa ganoon akong pusisyon nang biglang pumasok si Levi. Hindi nya kasama ang ate nya. Pinakiramdaman ko lang sya hanggang sa maupo sya sa tabi ko.

Napabuntong hininga na lang ako nang magumpisa syang magsalita. Walang emosyon ang boses nya pero inisip ko na lang na natural na lang iyon sa kanya. Sa loob ng panahon na 'yon ay ginugol lang namin ang ang oras sa pagpapractice.

Hindi talaga maaalis sa akin ang palagiang paghanga sa boses nya sa tuwing kakanta sya. Pare pareho silang magkakapatid. Hindi pilit ang pagpapaganda sa kanilang boses. Sadyang natural at dumadaloy sa dugo ang talento sa musika. Talagang nakakahanga.

Maya maya'y tumayo ito at iniayos ang gamit.

"I'll go ahead. Take care." Natigilan ako sa sinabi nito at agad napatingin sa orasan. Hindi ko namalayang uwian na pala.

Ngumiti ito sakin. Iyong sinserong ngiti at ginulo pa ng bahagya ang buhok ko. Tumitig pa ito sa mata ko ng ilang sandali habang malamlam ang mga mata pagkatapos ay tumalikod at animo'y nagmamadaling umalis.

Nanatili ang paningin ko sa pintong nilabasan nito. Napabuntong hininga pa ako at inayos narin ang mga gamit ko. Matapos ay wala sa sariling naglakad palabas.

Maraming estudyante akong nakasabay. Ang ilan ay naghaharutan at nagtatakbuhan pa. Masasaya na parang walang problema.

Mapait akong napangiti.

Napabuntong hininga na lang ako at binilisan ang lakad. Hindi ko napansin si Liam. Lumingat lingat pa ako pero mukang nakauwi na ngang talaga sya.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala paring bus na dumadating. Nakahawak ako sa strap ng bag ko habang nakatingin sa paa kong marahan pang sinisipa sipa 'yung mga bato.

"So saan tayo ngayon?" Biglang may nangibabaw na boses. Mabilis akong nag-angat ng paningin at nakita si Luna na naglalakad. May mga kasama sya na hindi ko kilala pero halos mapangiwi ako sa nagkakapalang make up ng mga ito.

Natigilan pa sya nang magkatinginan kami pero agad din iyong inialis at bumaling sa mga kasama. Nakapulupot ang braso nya sa mga ito. Nakita ko pang parang may ibinulong sya sa mga kasama kaya agad iyong nagtinginan sakin. Sabay sabay silang bumungisngis pagkatapos non.

Kumuyom ang kamao ko at sakto namang may dumating na bus. Mabilis akong sumakay roon at sumandal. Napapikit pa ako habang pinipigilan ang nagbabadyang pag-init ng ulo ko.

Naiinis ako dahil hindi ko man lang nakaligtaan na itext o tawagan sya pero alin man sa mga iyon ay hindi nya sinagot. Nagtataka tuloy ako kung paano nyang naging kaibigan ang mga iyon. Sana nga'y hindi sya mapasama sa pagsama sa mga taong hindi naman nya lubos na kilala.

Matapos magbihis ay mabilis akong dumiretsyo sa restaurant para magumpisang magtrabaho.

Maraming tao gaya ng nakagawian pero parang hindi ko ramdam ang pagod ngayon. Pero ang antok ay talagang hindi mawala sa sistema ko.

"Ara. Hinahanap ka nung costumer sa table 14. Kilala mo ba iyon?" Biglang sumulpot si Shiela sa gilid ko. Kumunot naman ang noo ko.

Nagtataka man ay mabilis akong dumiretsyo doon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay inaasahan kong si Luna at ang mga kaibigan nito ang makikita ko pero natigilan pa ako nang mamukaan iyon kahit nakatalikod pa ito sakin.

Point of retreatKde žijí příběhy. Začni objevovat