CHAPTER 16

345 32 0
                                    

Luna's POV

"Mauna na po ako, mom!" Sigaw ko pa habang sinisintas ang sapatos ko.

Sumilip naman ang mommy ko mula sa kusina habang naka-apron pa. "Mag-ingay ka. Ikamusta mo ako kay Ara!" Maganda ang pagkakangiti na pahabol pa nito.

Hindi na ako nag-abala pang magpahatid sa driver namin at sumakay na lang ng bus. Tahimik lang akkng umupo sa dulo, sa tabi ng bintana.

Tumulala lang ako habang ang isip ko ay awtomatikong binalikan ang nangyari kahapon. Muli ay naramdaman ko na naman ang hindi maipaliwanag na guilt sa sistema ko. Alam kong naging isip bata ako nang mga panahon na iyon. Ngunit sadyang hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili.

Bukod sa pagdalaw ay napagpasyahan ko ring hihingi ako ng tawad kay Ara. Tanggapin man nya o hindi ang sorry ko ay ayos lang. Kung hindi naman kasi talaga dahil sakin hindi ito mangyayari. Bigla ay napaisip tuloy ako kung ano nang nangyari kay Aian.

Ang walanghiyang Aian na iyon..

Malinaw parin sa akin ang matinding galit ni Levi. Kilala kasi ito sa pagiging pasensyado at kalmado kaya tila hindi ako sanay sa ugaling ipinakita nya kahapon. Hindi ko naman sya masisisi dahil mukang mahalaga sa kanya si Ara.

Napabuntong hininga na lang ako at bumaba na ng bus. Bumungad sa akin ang isang malaking hospital. Nanggaling na ako rito kahapon kaya alam ko na kung saan ang kwarto ni Ara.

Matapos makapasok ay tinakbo ko pa ang elevator. Nang malapit na ako rito ay hindi inaasahan na madudulas pa ako sa ganoong pagkakataon.

Kung minamalas ka nga naman!

Napapikit ako at inasahang tatama ang likod sa lapag ngunit talagang natigilan ako nang maramdamang may humawak sa likod ko. Agad akong nagmulat at nagtama ang paningin namin ng isang napakagandang babae.

Inosente itong nakatingin sa akin habang ang kaliwang kamay ang nakaalalay sa akin at ang kanan naman ay may hawak na ice coffee.

"Ayos ka lang ba?" Inosente paring tanong nito.

Agad naman akong natauhan ay wala sa sariling umalis sa pagkakahawak nito, dahil para muli akong madulas. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na nya ako sinalo. Napangiwi pa ako nang tumama ang puwetan ko sa sahig.

"Oh? Let me help you----"

"K-Kaya ko na.." Nakahawak pa sa balakang na ani ko. Hindi ako makatingin sa mga mata nito marahil dahil sa sobrang kahihiyan.

"Okay."

Mabilis ko itong nilingon matapos nya iyong sabihin. Tumalikod ito sa akin na naging dahilan pa ng bahagyang paglipad ng suot nyang mahabang coat. Napansin ko ring nakasout ito ng itim na turtle neck sa loob. Hindi ko inakalang may magsusuot ng ganyang klaseng damit gayong napakainit dito sa pinas.

Napangiwi pa ako nang nakapasok ito sa elevator ay ngumiti pa sa akin at kumaway pa. Hindi naman sya mukang nang-aasar ngunit talagang naasar ako.

Nakasimangot akong tumayo at pinagpag pa ang sarili. Inis akng lumapit sa elevator at paulit ulit na pinindot ang itim na pinduatan doon na animo'y may magagawa iyon para makasakay ako kaagad.

Matapos makarating sa floor na kinaroroonan ni Ara ay padabog pa akong pumasok sa kwarto nya. Bahagya pa akong nagulat nang makitang nagtataka itong nakatingin sa akin.

"A-Ah, here." Inilapag ko sa table ang isang paper bag. "Pinapabigay ni mommy." Dagdag ko pa at naupo sa single sofa.

"S-Salamat." Tila naiilang nya pa iyong sinabi.

Point of retreatМесто, где живут истории. Откройте их для себя