CHAPTER 21

292 31 0
                                    

Arabella's POV

Pareho kaming walang kibo ni Liam sa sasakyan. Ang atensyon nya ay tanging nasa pagmamaneho na dapat naman talaga, habang ako naman ay nasa bintana ang paningin.

Gusto ko mang magsuot ng earphones ay may parte sakin na nahihiya. Parang ang panget naman tignan kung gagawin ko iyon kahit may katabi naman ako na dapat kausapin.

Ano namang sasabihin ko sa kanya?

Napabuntong hininga na lang ako at muling itinuon ang atensyon sa dinadaanan namin. Tumaas pa ang kilay ko dahil hindi ako pamilyar sa lugar na kinaroroonan namin ngayon. Ganon ata talaga kapag hindi ka gala. Wala rin naman kasi talaga akong panahong gumala.

"And I'll be your cryin' shoulder

I'll be love's suicide

And I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life.."

Awtomatiko akong napahinto nang nangibabaw ang boses ni Liam. Agad nagtaasan ang balahibo ko sa lamig at ganda ng boses nya. Nakakabilib dahil kahit iyong chorus lang ang kinanta nua ay tila nabuo na nya ang isip ko.

Aksidente pa akong napatingin sa rear view mirror at eksakto rin naman syang nakatingin doon kaya nagtama ang paningin namin. Ilang segundo kami nanatiling ganon ngunit sya rin ang nagbawi ng tingin. Tama lang naman iyon at baka mabunggo pa kami.

"Happy birthday."

Napalingon ako sa kanya. Pangalawang beses na nya iyong sinabi.

"S-Salamat." Naiilang na sagot ko pa at nameke pa ng ubo.

"Naiilang ka pa rin ba sa 'kin?"  Biglang tanong nya.

Malamang. Para akong mauubusan ng hininga kapag kasama kita.

"H-Hindi ah. Bakit naman ako maiilang." Iyon ang lumabas sa bibig ko.

Natigilan pa ako nang bahagya syang tumawa.

"What?" Kunot noong tanong ko. Hindi ko kasi alam kung bakit ito natawa o kung may nakakatawa ba sakin.

"Nothing."

Ngiting ngiting sagot pa nito at bahagya pang sinuklay gamit ang kamay ang may kahabaang nyang buhok. Nasira man ang maayos na pagkakaguhit ng buhok nya sa gitna ay tila mas bumagay pa nga nang naging bahagyang magulo iyon. Lahat naman ata ay bagay sa kanya.

"Masaya akong pumayag ka. Ilang araw pa lang tayong hindi nagkita ay namiss kita agad." Nagkibit balikat pa ito na animo'y simple lang ang dating ng sinabi nya.

Bahagya pa akong napayuko at napatingin sa magkahawak kong mga kamaya. Ang dibdib ko ay tila naghahabulan sa bilis. Paano nyang nasabi ang ganon nang parang wala lang.

"Isang araw pa lang tayong hindi nagkikita.." pabulong na sagot ko pa.

"Exactly." Tumawa pa ito ng bahagya.

"Psh." Nangingiting ani ko pa at inayos ang coat na nasa balikat ko.

Napabuntong hininga naman ako. Kilala ko masyado ang sarili ko at alam ko kung gaano kalalim na akong nahulog sa lalaking ito. Hindi ko alam kung anong ritwal ba ang ginawa nya kaya't parang patay na patay na ako sa kanya.

Nababaliw ka na, Ara..

Maya maya ay natanaw ko na ang airport. Nagulat pa ako nang pagkababa ni Liam sa sasakyan ay pinagbuksan pa ako nito pagkatapos ay kinuha ang kamay ko. Marahan ako nitong hinila.

Point of retreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon