CHAPTER 5

446 33 0
                                    

Arabella's POV

Habang naglalakad papasok sa school ay lumilipad kung saan ang isip ko. Muling nanunumbalik sakin ang sinabi ni manang kagabi. Siguro nga'y dapat akong magpasalamat sa pagbabayad ni Liam sa apartment ko. Oo gagawin ko iyon pero hindi maalis sa sistema ko yung bigat sa dibdib nung mga oras na iyon.

Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung kinakaawaan ako. Siguro nga'y nakakaawa ngang talaga 'yung sitwasyon ko pero iba kapag kay Liam. Pakiramdam ko sobra akong nanliit.

"Good morning." Bati ko kay Luna at napapabuntong hiningang umupo.

Natigilan naman ako nang walang matanggap na sagot dito. Nagtataka pa akong nag-angat ng paningin dito.

"Hey, are you okay?"

Dahan dahan naman itong lumingon sakin. Blangko ang muka. Bigla namang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Wag kang kabahan. Wala ka namang ginawa. Pangungumbinsi ko sa sarili.

"Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Walang emosyong tanong nya.

"Something came up." Simpleng sagot ko at humarap sa white board. Nailang naman ako dahil alam ko ay nanatili itong nakatingin sakin kaya ibinalik ko ang paningin sa kanya.

Nagtataka ko itong tinignan. "What?"

"You know how much i like Liam, diba?" Mariin na tanong nito. Muling kumabog ang dibdib ko.

"Luna-"

Natigilan pa ako nang ipakita nito sakin ang isang picture sa cellphone nya. Ako at si Liam habang naglalakad at magkahawak ng kamay. Mabilis akong natigilan at kinabahan.

"Bakit magkasama kayo? Ano? Hindi kayo pumasok para makapaglandian?!" Biglang galit na sabi nito.

Parang binatukan ako sa sinabi nya. Mabilis sumama ang muka ko.

"What did you just say?" Mahinang sabi ko na parang nabibingi pa. Hindi ito nakasagot na parang nabigla rin sa sariling sinabi.

"Bakit h-hindi ba?" Nauutal pang sagot nito. Ramdam ko ang pagiinit ng ulo ko. Alam nyang ayaw na ayaw ko sa sarilitang sinabi nya.

"Pano mo nagawang landiin ang lalaking gusto ko? Napakaselfish mo!" Mahinang sigaw nya.

"Luna!" Di ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. Alam kong napatigil at naagaw namin ang atensyon ng mga kaklase namin.

Tinignan lang ako nito ng masama at yumuko sa desk nya. Napabuntong hininga naman ako at napapapikit na napasandal sa upuan ko. Napatingin ako sa gawi nya at mabilis na lumamlam ang mga mata ko.

Maging ako ay hindi alam kung paano ipapaliwanag sa kanya kung bakit nga ba kami magkasama kahapon. Hindi ko alam kung paano nya nalaman kung saan ako nakatira at hindi ko alam pano syang nakapunta doon. Pero hindi na ko nakapag-abalang magtanong pa dahil masyadong naging okupado ang isip ko.

Discussed
Discussed
Lunch

Pareho kaming walang imik habang papuntang cafeteria. Kahit matapos makaorder at umupo ay nanatiling walang may balak umimik sa amin. Pero ako ay pilit syang pinakikiramdaman. Ilang ulit pa akong lumingon dito pero nanatili itong blangko ang ekspresyon habang kumakain. Bumagsak ang balikat ko.

Point of retreatOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz