CHAPTER 11

406 31 0
                                    

Arabella's POV

Nang makarating kami sa coffee shop ay wala pa roon ang mga kasama namin. Nauna akong pumasok at agad iginala ang paningin. Naghahanap ng magandang pwesto. Matapos non ay tahimik na naglakad habang nanatili namang nakasunod sakin si Aian.

Tahimik kaming naupo. Gusto ko pang magtaka dahil bakas na bakas ang pagkailang sa itsura ni Aian. Wala naman syang dapat ipagkailang sakin.

Humalukipkip ako at sumandal sa upuan. Sandali kong pinagmasdan si Aian. Kahit ilang buwan na kaming magkasama sa isang room ay kakatwang minsan ko lang sya mapansin. Alam kong araw araw syang pumapasok. Sadyang masyado lang syang tahimik at nakayuko sa sulok.

Pinasadahan ko ng paningin at makapal na salamin nito sa mata at may kahabaan nitong buhok. Hindi pa nakaligtas sa paningin ko nang bahagya itong mag-angat ng paningin dahilan para magtama ang mata namin. Mabilis itong nagiwas at muling yumuko.

Maya maya'y narinig ko na ang boses ng mga kaklase ko. Umayos naman ako ng upo at utinuon ang isang siko ko sa table.

Nagumpisa na silang magusap usap habang nakikinig lang ako. Bahagya pa 'kong nakaramdam ng antok dahil talagang kulang ang tulog ko.

*Yawn*

Napabuntong hininga ako at itinuon ang likod ko sa upuan. Hindi sinasadyang tumama ang paningin ko kay Aian na nahuli ko namang titig na titig sakin. Bahagya pa itong nagulat. Napangiwi naman ako.

Ano namang eksena ng isang 'to?!

Pasimple kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan iyon. Nangunot pa ang noo ko nang makitang may message doon.

"Pakisave 'tong number ko. Si Liam 'to." Kumunot ang noo ko matapos basahin yon.

Pano naman nakuha ng isang 'to ang number ko? Psh.

Napailing na lang ako at ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ko.

Nanatili lang akong tahimik hanggang matapos ang meet namin. Paminsan minsang sumasagot kapag tinatanong pero mas madalas na pagtango lang ang naisagot ko.

Saglit pa kaming nagpaalam sa isa't isa bago naghiwalay.

Sabay kaming naghintay ng bus ni Aian. Medyo nagulat pa ako dahil medyo malapit pala ang bahay nya sa tinutuluyan ko. Bahagya pa 'kong napaisip dahil sa tagal kong bumabyahe pauwi ay hindi ko man lang sya nakita o nakasabay.

Maya maya'y may huminto ng bus. Nauna akong sumakay sa kanya at luminga linga pa sa mga upuan. Dumiretsyo ako sa bandang dulo at naupo sa may bintana. Ipinatong ko ang bag ko sa may hita ko at itinuon ang isang siko sa bintana pagkatapos ay inabala ang sarili sa pagtingin tingin sa labas.

"P-pede bang patabi?" Nangibabaw ang tinig ni Aian. Marahan ko itong nilingon. Bakas ang hiya sa kabuuan nito na ipinagtaka ko naman.

Bakit naman sya nagpapaalam eh hindi naman ako ang may-ari nitong bus?

Pilit akong napangiti. "Oo naman."

Halos magkanda-dapa pa ito habang paupo sa tabi ko na talaga namang ikina-nuot ng noo ko.

"Ayos ka lang ba?"

Bahagya pa itong nagulat nang tumingin sakin pagkatapos ay nagbaba ng tingin. Napa-ismid na lang ako at muling itinuon ang atensyon sa labas ng bintana.

Point of retreatWhere stories live. Discover now